Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, puring-puri si Ellen: She’s honest, she’s a character

MAY bagong sitcom ang TV5John En Ellen na napapanood tuwing Linggo, 7:00 p.m.. Bida rito sina John Estrada at Ellen Adarna, sa papel na mag-asawa, bilang sina John and Ellen Kulantong. Isa rin sa producer ng sitcom si John. Kaya siya mismo ang pumili kay Ellen para maging kapareha niya.

“Me, Boss Bong (co-producer ng ‘John En Ellen’) and Direk Willie (Cuevas), before we finalize ‘yung casting of course, nag-usap-usap kami. Honestly, noong sinabi ni Boss Bong (Sta. Maria, EP, CEO ng PGNL), ‘Sige, sino ‘yung gusto mong maka-match na maging asawa mo rito?’ Gusto ko sana si Angelina Jolie, ang problema, hindi siya available,” natatawang sabi ni John sa virtual media conference ng John En Ellen.

Patuloy niya, ”So sabi ko, ‘Sir Bong, how about Miss. Ellen Adarna?’ And you know what, doon talaga na-excite si Boss Bong.”

Nang marinig naman ni Ellen ang sinabing ‘yun ni John ay nag-butt in siya. Sabi niya, ”May hawig naman kami ni Angelina.” Na sinegundahan ni John sa pagsasabing, ”Kaya nga! Kaya ikaw nga!”

Nang nakatrabaho na ni John sa taping si Ellen, puring-puri niya ito.

“She brings great energy on the set, she’s bubbly, she’s a character. She speaks her mind, she’s honest and alam ninyo kung mayroon man kayong mga bad image of Ellen Adarna, pakitapon ninyo na po ‘yan, dahil hindi siya ‘yan.”

Aminado rin si John na talagang inakala niyang hindi tatanggapin ni Ellen ang project.

“We really thought na hindi papayag si Ellen kasi nga, ang balita namin, ayaw na niyang mag-artista. Kas inga ‘yung priority niya, ‘yung anak niya, si Elias. But thank God, pumayag siya. Just because, alam niya nga na ang proyektong ito ay para talaga sa kanya at saka napaka-light, masaya lang,” sey pa ni John.

Ang huling sitcom na ginawa ni John ay ‘yung Everyday Hapi, na ipinalabas sa TV5 din, noong 2008 hanggang 2010. Kaya aminado siya na nanibago siya sa paggawa ulit ng isang sitcom.

“Ang tagal na ‘yung huling sitcom na ginawa ko sa TV 5 din. Kaya sa umpisa, talagang nanibago ako. Pero nagamay ko na rin ulit, kasi magagaang katrabaho ang mga kasama ko rito (John En Ellen).”

Sa tanong kay John kung posible bang mag-guest sa kanilang sitcom ang nali-link ngayon kay Ellen na si Derek Ramsay. “Yeah, definitely. Kailangan lang magpa-swabbing siya,” ang natatawang sagot ni John.

“Definitely, we’re thinking about it, hindi pa lang namin alam kung kailan, but of course. Baka nga siya ang unahin naming guest sa ‘John En Ellen,’” dagdag pa ng aktor.

Bukod kina John at Ellen, ang ilan  pa sa cast ng John and Ellen ay sina Ronaldo Valdez, Long Mejia,  Haiza Madrid,Yogo Singh, at Angelina Cuz.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …