NAREKOBER ng pulisya at mga residente ang isang vintage bomb na bahagyang nakabaon sa harap ng kanilang barangay hall, sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte, noong Lunes, 18 Enero.
Sa loob ng maraming taon, nagsilbing dekorasyon ang bomba sa harapan ng barangay hall, ani Kapitan Jerry Alonzo ng Barangay 43-Cavit.
Ayon kay P/Lt. Col. Rafael Lero, hepe ng Laoag police, agad dinala sa kustodiya ng Ilocos Norte provincial police ang vintage bomb sa Explosive Ordnance Disposal Unit (EODU) para sa kaukulang disposisyon.
Sa kabila ng pagiging vintage, puwede pang umanong sumabog ang general-purpose bomb na maaaring makapinsala sa malaking bahagi ng barangay.
Iniulat din ng mga opisyal ng barangay na may isa pang vintage bomb na ibinaon sa isa pang bahagi ng barangay hall.
Ani Lero, kailangan i-turnover sa mga awtoridad ang pampasabog sa oras na hukayin ito ng mga opisyal ng barangay.