Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Tricycle sinalpok ng rumaragasang van 2 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang dalawang pasahero ng tricycle habang sugatan nang mabangga ng ruma­ragasang van sa Maharlika Highway, sa bayan ng Calauag, lalawigan ng Quezon, nitong Martes ng gabi, 19 Enero.

Sa ulat ng Calauag police nitong Miyerkoles, 20 Enero, kinilala ang mga namatay na sina Modesto Lazaga at Cesar Epa, kapwa pasahero ng tricycle na minamaneho ni Renato Oriendo.

Ayon sa ulat, mabilis na pinatatakbo ni Edwin Baretto ang minamanehong Toyota Hi-Ace nang lumipat ito sa kabilang lane habang paparating ang traysikel sa bahagi ng highway sa Brgy. Binutas, dakong 9:00 pm.

Agad namatay ang mga biktimang sina Lazaga at Epa habang sugatan ang driver nilang si Oriendo.

Kasalukuyang nasa kustodiya si Barreto ng lokal na pulisya habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides na isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …