Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Pulis, lover, tiklo sa droga (Sa Camarines Norte)

ARESTADO ang isang pulis at kaniyang kasinta­han sa isang search operation na ikinasa ng mga awtoridad sa bayan ng Daet, lalawigan ng Camarines Norte, nitong Miyerkoles ng umaga, 20 Enero.

Kinilala ni P/Lt. Col. Chito Oyardo, hepe ng Daet police, ang nadakip na suspek na si P/SMSgt. Jacky Palomar, 40 anyos, nakatalaga sa 2nd Police Mobile Force Company ng lalawigan, at kaniyang nobyang si Mylene Delos Reyes, 29 anyos, napag-alamang mga miyembro ng Rey Gutierrez Drug Group.

Sa operasyong ikinasa dakong 11:45 am kahapon, sa Brgy. Magang, sa natu­rang bayan, nakompiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P350,000, 9mm baril, may 15 bala, at isang ninakaw na Toyota Hilux.

Ayon kay Oyardo, isinailalim sa sa surveillance si Palomar matapos ikanta ng mga naarestong drug suspects na sangkot sa operasyon ng grupo.

Napag-alamang pino­proteksiyonan umano ni Palomar, na 18 taon na sa PNP, ang operasyon ng grupo kaya nakokom­promiso ang mga anti-illegal drug operations sa lalawigan.

Nabatid na hiwalay si Palomar sa legal niyang asawa at kasalukuyang nakatira sa bahay ni Delos Reyes.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *