Saturday , November 16 2024

Duterte vs Kongreso sa new ABS-CBN franchise bill

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit may prankisa ang isang kompanya ay hindi niya papayagan mag-operate kung hindi babayaran ang mga obligasyon sa gobyer­no.

“I assure you, all franchises will not be implemented. I will not implement them until they settle their full accounts with the government,” sabi niya sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

“For all I care, you can have a 1,000 franchise, you will not see the light of day until you come to government with clean hands. Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses,” dagdag niya.

Bagama’t hindi binanggit ng Pangulo ang kompanya, isa sa mga ibinutas sa ABS-CBN ang tax-avoidance schemes kaya pinagkaitan ng franchise renewal ng Mababang Kapulungan noong Hulyo 2020.

Naghain ng magka­hiwalay na panukalang batas sina Senate President Vicente Sotto III at Batangas 6th district Rep. Vilma Santos-Recto upang mabigyan ng bagong 25-year franchise ang Lopez-owned media company.

Sa ginawang pagdinig sa Kamara noong naka­raang taon ay inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang utang sa buwis ang ABS-CBN at nagbayad ito ng kabuuang P70.5 bilyon tax sa nakalipas na 17 taon.

Matatandaan mula nang mahalal na Pangulo ng bansa ay ilang beses nagbanta si Duterte na haharangin ang prankisa ng ABS-CBN dahil hindi iniere ang kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *