Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed, mala Rapunzel ang buhok Pinag-aagawan nina Ricky at Miko

HINDI nagustuhan ni Ricky Gumera ang pagtawag ng ‘babe’ ni Miko Pasamonte kay Joed Serrano. Hindi maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni Joed, si Ricky ang tiyak na dyowa nito.

Pero  itong si Miko, walang tigil sa pagsuyo kay Joed. Pilit na sinasabing sila na.

Nakalipat na si Miko sa bagong bahay nito na ibinigay ni Joed. Tinupad lang ng mega producer ang commitment niya sa tinaguriang the newest sex symbol ng panahon ngayon.

Samantala, ‘di nagpapatinag ang bagong Totoy Mola na si Ricky  na tahasang pag­papahayag na mapupunta sa kanya si Joed. Sadya ngang mahaba ang buhok ni Rapunzel este ni Joed sa nang­yayari ngayon.

Abangan ang grand presscon /bday celebration ni Mr. P (tawag kay Joed) ngayong Enero. Ating alamin kung ano ang mangyayari kina Miko at Ricky sa araw na magkita sila.

After Anak Ng Macho Dancer ang iba pang ipo-prodyus ng Godfather Productions ay ang Kontrabida nina Nora Aunor & Charles Nathan; Ang Bagong Totoy Mola ni Ricky Gumera; The Loves, The Miracles & Life of Joed; Lockdown Kapit sa Patalim nina Paolo Gumabao, Sean de GuzmanBurlesk ang Huling Sayaw; Banat, Macho GayMonay & Everything, M.I.L.F. Matinee Idol; Cybersex, The Mico Pasamonte StoryMy Bestfriends Husband nina Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz and Joed; Matrona; Mga Batang TondoArtista Ako EhSuper Pogi & Friends, Libog,Sir; at Binili Kong Pagibig.  (JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …