Wednesday , November 20 2024

Ano ang magiging “future” ng dalawang whistleblower?

KAHIT pa nga pansamantalang nanahimik ang isyu tungkol sa ‘pastillas’ ay hindi maiwasan pag-usapan kung ano na ang estado ng dalawang tumayong whistleblowers na sina Immigration Officers Allison “Alex” Chiong at Jeffrey Dale Ignacio.

Noong kasagsagan ng pastillas senate inquiry ay buong tapang na nanindigan ang dalawang testigo sa kanilang ipinaglalaban. Asap mo’y totoo ang prinsipyong ipinaglalaban?

Ayon sa dalawang whistleblower, ang kanilang partisipasyon daw ay dala ng kanilang pagiging sundalong kanin ‘este foot soldiers at sila ay napag-utusan lang.

Talaga lang ha!

Kaya pala may sariling condo at kotse agad itong si Ignacio?

Nag-trending ora mismo ang kanilang kabayanihan at nakuha ang simpatiya ng madlang pipol.

Sa mga nakapanonood ng eksena sa senado, tila sing-bangis ng tigre ang tapang ni Chiong at buong gilas na pinangalanan ang mga personalidad na sangkot sa naturang eskandalo.

Maliban kay Ignacio na kulang na lang ay manalo sa FAMAS ang acting na ipinakita

Maging tayo ay hindi makapaniwala sa mga katagang nasambit nila dahil totoo man ito o hindi, ang bawat pangalan na isinangkot ng dalawang whistleblowers ay yuyurak sa dangal ng bawat masasambit!

Somehow ay bumilib din tayo dahil buong akala natin ay todo dipa ang kanilang pinag­kumpisalan.

Lumipas ang ilang buwan at gaya ng inaasahan, tuluyan naisampa ang kaso sa Office of the Ombudsman. Maraming opisyal ng POD at mga miyembro nito ang inasunto at haharap sa kasong kriminal at administratibo.

Biglang tahimik rin ang kampo ni Senadora Risa Hontiveros na nanguna sa ginawang imbestigasyon.

Sa panig ng dalawang whistleblowers, wala na rin tayong naririnig maliban sa nakarating sa atin na nagsisisi raw si Ignacio.

Lalo na at nalaman niya na “shoot sa balde” ang pangarap niyang maging state witness sa kaso!

Ito lang kasi ang natatanging paraan upang hindi niya maranasang humimas ng rehas sa oras na mapatunayan sa korte ang kanyang involvement sa Taiwanese national na biktima ng human trafficking.

Samantala, pagdating kay Chiong, tila malabo rin daw itong pumasa na state witness pagdating sa korte?

Hindi sapat ang kanyang pangungumpisal upang mapagtakpan ang kanyang pagiging principal partisipasyon niya sa ‘pastillas scheme!’

Kahit pa nga si “Hudas” sa Biblia ay nagsisi rin sa kanyang pagkakasala kaya napilitan nang tapusin ang kanyang buhay.

At dahil isa rin siya sa mga kumita ‘este gumanap sa lantarang pagpapalusot ng mga pasahero kaya naman gaya rin ng kakosa niyang si Ignacio, hindi imposible ang magiging kambal na kapalaran nina Chiong at Ignacio!

Human trafficking na maliwanag!

Gaya ng madalas nating mabanggit dati pa, maliban kay Sandra Cam, wala na tayong nabalitaan na naging whistleblower na gumanda ang kapalaran.

Puwede naman mamili silang magpakners kung sakali. Nandiyan ang Kwerna, Sige-sige BnG o Commando sa Maximum compound.

Reclusion perpetua ang destinasyon kung mamalasin ang dalawa…

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *