Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13th person of interest sa Dacera case hawak na ng NBI (Cellphones ng respondents isusunod na)

ISUSUNOD ng National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay kasunod na rin ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos flight attendant bago inilibing.

Sinabi ni Guevarra, ang NBI digital forensic ang magsasailalim sa pagsusuri sa mga cellphone ng mga isinasangkot sa krimen pero hindi naman tinukoy kung kasama ring susuriin ang mismong cellphone ng biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center kaugnay sa isinagawa nilang pagsusuri sa bangkay ni Dacera.

Ipinauubuya na rin ng Justice Secretary sa NBI kung kailan nila ilalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Una rito, ang grupo mismo ng NBI ang nagtungo sa General Santos City bago ilibing si Dacera para kumuha ng tissues na gagamtin sa imbestigasyon.

Samantala, pinanga­lanan ng NBI ang ika-13 person of interest sa krimen na naka-check in sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong araw na namatay ang flight attendant.

Sa naturang silid naglabas-pasok si Dacera bago natag­puang walang malay sa buthtub ng hotel.

Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin, ang person on interest ay kinilalang si Ethan Maguire na sinundo pa ng NBI sa Region 8.

Posible umanong gawin siyang state witness kapag nakom­pleto na ang kanyang statement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …