HINDI na pala bago iyong usapang “wampipti.” Nagkukuwentuhan sila na noong araw daw, doon sa kanilang lugar, inaabangan ng mga bading ang isang male star paglabas sa eskuwelahan, at sa halagang ”wampipti” ay sumasama na iyon sa mga bading kahit na saan.
Kung wala naman daw pasok, inaabangan siya sa basketbolan na malapit sa kanila. Pero noong araw iyon bago siya naging artista.
Ngayon naman, na kahit na paano ay sikat na siya, may asawa na nga at dalawang anak, puwede pa rin naman daw siya, pero siyempre hindi na “wampipti.” Medyo umasenso na rin.
Pero ang sinasabi ng mga bading na nakakilala sa kanya noong panahong “wampipti” pa lang siya, ”hindi ko naman babayaran iyan ng malaki. Talagang pang “wampipti” lang naman ang itinatago niyan.”
Hindi naman maikakaila na mas pogi siya ngayon kaysa noon, lalo na’t naayos na nga nang kaunti ang kanyang ilong at batak sa gym ang kanyang katawan, pero dahil nakuha na nga siya sa halagang “wampipti” noong bagets pa siya, wala silang balak na magbayad ng mas malaki pa ngayon lalo na’t matanda na siya, at kung iisipin mo marami na siyang pinagdaanan. (Ed de Leon)