Saturday , November 23 2024

Legal battle dapat paghandaan ng ‘Pastillas Gang’

NGAYONG ‘naligwak’ sa Ombudsman ang pagiging state witness ni Immigration Officer Jeffrey Dale Ignacio masasabi natin na kahit paano ay nakapuntos nang maliwanag ang grupong ‘pastillas.’

Sa desisyong “application denied” sa Ombudsman, malinaw na nabalewala ang lahat nang ikinumpisal ni Ignacio laban sa respondents na kinabibilangan ng mga dating opisyal ng Port Operations Division (POD).

Ciento por ciento, ganoon din ang kasasadlakan kung sakaling hahangarin ni Chiong na maging state witness siya sa korte.

Panigurado na kukuwestiyonin at uupakan ‘yan ng mga abogado ng respondents.

Ang pagkakaroon nila ng direct participation sa modus ang magpapabalewala ng kanilang mga testimonya.

The act of one is the act of all.

Ibig sabihin, ang lahat ng mga kasali ay mananatiling “principal” sa kaso regardless kung ano man ang tindi ng kanilang partisipasyon.

So ‘yung mga style na “laban o bawi” na gustong mangyari ng whistleblowers, ‘e mukhang sa kanila rin nag-backfire.

‘Di na kasi ubra sa panahon ngayon ang magpakabayani lalo kung ikaw o kayo ay nakinabang din.

Tila mas makatotohanan ang “karma!”

Gayonpaman, hindi rin tayo naniniwala na lahat ng 83 kasali sa ‘pastillas’ ay maaabsuwelto.

Some heads will roll, sabi nga.

Sa bawat labanan siguradong may masasawi. Lalo na kung ‘putsuputsu’ ang abogado mo.

Hek! Hek! Hek!

Kaya ‘yung mga nagtitipid at umaasa na maaambunan sila ng suwerte ng mga maaabsuwelto, aba e nagkakamali kayo.

Future ninyo at pangalan ng pamilya ang nakasalalay sa kaso.

Mas mainam na may tagapagtanggol kayo na singtibay ng pader at singtatag ng semento.

Huwag na n’yong tipirin ang mga milyones na kinita ninyo.

Tama ba ako Binsol? Robles?

Kaysa naman ‘maolat’ kayo nang walang kalaban-laban

Gets n’yo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *