Sunday , December 22 2024

‘Lakas-loob’ ng scammers kanino nanggagaling?

APAT na large scale estapador ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Criminal Investigation Section (QCPD-CIS).

Magandang balita nga ba ito? Puwede na rin dahil kahit na paano ay nabawasan ang nanloloko sa kanilang mga kababayan.

Nadakip ang apat na sina Maryjane Duran, Rachecl Nicolas, Elizabeth Payod, at Jojie Montalban.

Ang apat ay nadakip ng tropa ng CIDU sa pamumuno ni P/Maj. Elmer Mosalve sa ikinasang entrapment operation nitong 11 Enero 2021 sa Barangay Payatas A, Quezon City.

Kung sakali ngang large scale estafa ang kaso ng apat, ibig sabihin nito ay “no bail.” Mananatili sila sa kulungan hanggang mapatunayan silang nagkasala. Makalalabas lang sila kung mapapatunayan din ng apat na walang katotohanan ang akusasyon laban sa kanila. Sa kasalukuyan, pitong complainant pa lamang ang lumutang sa opisina ni Monsalve.

Paano ba nagkaroon ng kasong large scale estafa ang apat? As usual iyong dating raket ng mga karamihang estapador ngayon — ang pangakong malaking interes ang kikitain ng perang ipapasok mo sa kanila. Hayun, na-scam ang mga complainant.

Naloko lang naman ng halagang P2 milyon ang mga nabiktima ng apat. Hindi ko na po siguro kailangan pang ipaliwanag kung paano naloko ang mga biktima. Basta’t alam n’yo na iyon. Paanong kikita nang malaking interes ang pera mo pero wala naman.

Hindi naman siguro lingid a kaalaman ng marami ang ganitong klaseng raket, marami na’ng nabiktima at hindi rin nagkulang ang pulisya sa pagbibigay babala sa mga kababayan natin para hindi sila maloko. Pero ano, parami nang parami pa rin ang nabibiktima. Bakit?

Malaking interes ba naman ang kikitain sa loob ng lang ilang araw, linggo o buwan kompara sa kita ng pera mo sa banko.

Pero at the end of the day, saan napunta ang cash investment mo?

Hindi ko alam kung matutuwa ba tayo sa pagkaaresto ng apat, dahil nga hindi naman nagkulang ang pamahalaan sa babala bukod sa parating naibabalita ang hinggil sa ganitong klaseng scam. Pero ano!?

Kaya, sino ba ang may sala ng lahat? Sino ba ang bumuo ng sindikato? Ang mga scammer ba o ang mga biktima? ‘Ika nga ng kasabihan, walang naloloko kung walang magpapaloko.

Muli, ang QCPD na pinamumunuan ni P/BGen. Danilo Mancerin ay nagbibigay babala sa atin mga kababayan… ‘wag magpaloko o masilaw sa kung ano-anong pangakong malaking interes ng investment sa loob lamang ng ilang araw o linggo. Hindi lang ngayon ang raket na ito, kung hindi dekada na.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *