Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roldan Castro, muling pamumunuan ang PMPC 3 sa kolumnista ng Hataw, opisyales

NAIHALAL na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong  January  8, 2021 sa  opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.

Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.

“Challenging ang pamumuno ngayong pandemya  kaya sana ay sama-sama at magkaisa sa pagtataguyod ng club,” sabi ng bagong halal na Pangulo ng PMPC.

Bukod kay Roldan ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman (VP), Mell Navarro (Secretary), at Mildred Bacud (Assistant Secretary).

Si Boy Romero pa rin ang Treasurer ng club habang Assistant Treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla ng Hataw ang Auditor at nahalal  namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia. Ang Board of Directors ay binubuo nina Sandy MarianoJoe Barrameda, Eric BorromeoTimmy BasilRommel Placente, at Francis Simeon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …