Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel, natauhan sa sampal ni Nora

NATAUHAN si Isabel Rivas nang makatikim ng totoong sampal mula kay Nora Aunor. Ang sampalan ay nangyari sa sa seryeng Bilangin ang mga Bituin sa Langit ng GMA 7.

Grabe raw palang manampal si Guy. Walang kiyeme. Nagmukha tuloy natural ang acting ni Isabel na talagang nasaktan siya. Namula nga ang sampal na iyon.

Kasi ba naman, taray-tarayan ba naman niya ang superstar. Kaya ayun, binilang niya talaga ang mga bituin dahil sa lakas ng sampal na dumapo sa kanyang mukha.

OSPITAL SA BALIUAG,
AYAW NG PROMISSORY
NOTE

HINDI masaya ang nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon namin dahil naospital ang 5 year old baby girl apong si Kendra Aguilar dahil mahilig sa isaw at mga maaalat na  junk food.

Nagpapasalamat  kami  sa maganda at mabait na doktora sa Marcelo Hospital sa Baliuag, Bulacan na si Dr. Maryjane Ontoy. Napansin naming na very patient siya at malambing sa mga  pasyente lalo sa mga bata. Masisipag din at courteous ang mga staff, Nurse, at frontliner ng  ospital.

Napansin lang namin na hindi pumapayag ang ospital ng promissory note, tsk tsk tsk. Parang unfair naman po yata ito lalo’t mahihirap ang pasyenteng taga-Baliuag. Hindi ba alam ng  ospital na nagsa-suffer sa kahirapan ang mga kababayan dahil sa covid attack?

Kaunting pagmamahal naman po sana at hindi nagpapasilaw sa taginting ng iba’t ibang kulay ng perang papel.

Nagpapasalamat naman kami sa mga nagbigay-tulong sa amin para mailabas agad ang aming apo.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …