Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

‘Bugbugan’ sa 2022 senatorial race

NGAYON pa lang, dapat na sigurong mag-isip-isip ang mga politikong nagbabalak tumakbo sa pagkasenador sa darating na eleksiyon. Masasabing sobrang ‘sikip’ ang senatorial race at makabubuting hindi na lamang sila tumakbo sa nakatakdang eleksiyon sa 2022.

Kung magdedesisyon na tumakbo ang re-electionist senators, aabot ang bilang nito sa siyam, bukod pa sa mga nagbabalak magbalik-Senado, na pawang malalakas dahil may pera, makinarya, organisasyon, at higit sa lahat ay may name recall.

Ang mga re-electionist senators ay sina Leila De lima, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Ralph Recto, Joel Villanueva, at Migz Zubiri.

At ang mga nagbabalak magbalik-Senado naman ay sina Rep. Loren Legarda, Sorsogon Gov. Chiz Escudero, former Senators Serge Osmeña, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Antonio Trillanes, at ang nasibak na Speaker na si Alan Peter Cayetano.

Ang mga nag-aambisyong politiko na mukhang gusto rin sumabak sa senatorial race ay sina Presidential Spokesman Harry Roque, Public Works and Highways Sec. Mark Villar, Rep. Mike Defensor, Education Sec. Leonor Briones, Comelec Commissioner Rowena Guanzon, at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Sina Senators Frank Drilon, Panfilo Lacson, at Senate President Tito Sotto ay tapos na ang termino at hindi na maaring tumakbo bilang senador. At dahil diyan, bali-balita na maaaring lumahok sa vice presidential race sina Lacson at Sotto, habang maugong ang balita na tuluyan nang magreretiro si Drilon.

Base sa Pulse Asia survey na isinagawa nitong 23 Nobyembre hanggang 23 Disyembre, nangunguna sa talaan ng posibleng makapasok sa Senado sa darating na halalan sina Escudero, Cayetano, Legarda, Zubiri, Gatchalian, at Jinggoy.

Bagamat kabilang sina dating Senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, at Pacquiao sa mga nangunguna sa senatorial survey, hindi naman iilan ang nagsasabing malamang na tumakbo sila sa pagkapangulo o pangalawang pangulo.

Kaya nga, napakahirap talagang makapasok sa tinatawag na ‘Magic 12’ ng senatorial race sa darating na eleksiyon sa 2022 kung hindi ka rin lang dating senador o sikat na politiko. Sabi nga, puno na ang jeep at sa susunod na biyahe ka na lang sumakay.

Sayang lang kung ipagpipilitan ang kanilang sarili kung wala rin naman silang mapapala dahil tiyak na sa basurahan lang sila dadamputin. Ang ‘Magic 12’ ay nakalaan na sa mga re-electionist senators at nagbabalik na mga senador.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *