Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell at Ricky, umalma sa paratang sa mga bakla; Markki, sinopla personalidad na mahilig makisawsaw

IYONG tatlong nakulong na suspects sa bintang na rape slay kay Christine Dacera ay ang mga kaibigan niyang nakakita sa kanyang walang malay sa bathtub ng hotel, nagtangkang i-revive siya sa clinic ng hotel, at nang walang dumating na ambulansiya mula sa barangay ay nagsugod sa kanya sa Makati Medical Center na idineklarang “dead on arrival.”

Kaya nga sinasabi ng anak ng singer na si Claire dela Fuente na si Gregorio de Guzman na, ”hindi totoong iniwan namin si Tin. Kami ang nagdala sa ospital at kami rin ang nag-report sa pulisya ng mga pangyayari.”

Kabilang sa mga humahagulgol na ganoon din ang pahayag ay ang kaibigang matalik ng biktima, na kasama niyang nag-check-in din sa hotel noong December 31, ang dating Eat Bulaga Mr. Pogi, at nakasama pa sa isang pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim na kinilalang si Rommel Galido. Noong gabi ng January 6, pinakawalan na rin ang sinasabing tatlong suspect na nasa custody ng Makati Police matapos na iutos ng piskalya na pakawalan sila dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Bagama’t sinasabi ni Chief PNP Debold Sinas na may mga ebidensiya pa silang hindi nailalabas bilang patunay sa bintang na rape, mukhang natakpan din iyon ng medico legal findings na totoong may “lacerations on the 3 o’clock, 6 o’clock, ang 9 o’clock positions but they are healed.” Ibig sabihin walang naganap na rape noong gabing namatay si Christine. Dahil magaling na ang lacerations, maaaring iyon ay bunga ng pakikipagtalik nang mas nauna kaysa sinasabing rape.

Binatikos din iyon ng mga taga-showbiz na LGBT. Sinabi ni Ricky Rivero na ang,”bakla basta nalasing ay nagiging Viva Hot Babes at Sex Bomb.” Dinugtungan iyon ni Arnell Ignacio na, ”iyong isang kaibigan kong matagal nang bakla, madalas malasing din pero hindi nagiging lalaki iyon. Dapat mag-ingat ang PNP sa mga ginagawa nilang statement lalo na iyon sa bandang huli hindi nila maipaliwanag.”

Gumawa rin ng statement si Markki Stroem na nagsabing ang ilan doon sa sinasabing suspect ay kakilala niya, hindi niya pinaniniwalaang mangre-rape ng isang babae at hindi naman dapat inilalagay sa ganyang kahihiyan. Sinita rin ni Markki ang isang personality na napakahilig makisawsaw sa kung ano-anong issue, kaya nga kinaiinisan din ng marami, na mali ang kanyang ginagawa at kailangan niyang mag-apologize sa mga binigyan niya ng kahihiyan dahil sa mga ginawa niyang posts.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …