EWAN kung alam ng isang kompanya na ang bago nilang contract star ay isa ring “kontratista.”
Ganyan ang tawag ngayon sa mga artistang lalaking “nagsa-sideline” dahil hindi nga ba “kinokontrata” nila ang mga interesado sa kanila kung magkano ang dapat ibayad? Noong una ay hindi rin naman daw masyadong pinapansin ang “kontratistang” iyan kahit na pogi rin naman siya. Kasi nga napakaliit na tao. Parang lalaking “I forgot to grow,” pero dahil ngayon nga ay mukhang magiging totoong artista na, at sinasabing makakatambal pa ng isang artistang babaeng dating sikat, pero malalaos na rin, napansin din siya.
Sa ngayon naman daw, mababa pa ang “asking price” ng male star na “kontratista,” kasi nga hindi pa naman siya sikat talaga, at ilang beses na ring nabansot ang attempts niya para sumikat, pero kung sisikat nga iyan, tiyak na parang rocket na tataas din ang presyo niyan.
Hindi ba ganoon naman talaga lahat ng mga “kontratista” sa showbiz?
(Ed de Leon)