Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean, hinigitan ang tapang ni Allan sa Macho Dancer

ISA sa aabangan sa 2021 ang controversial movie na Anak ng Macho Dancer na pagbibidahan ng baguhang actor na si Sean De Guzman na pala­ban pagdating sa hubaran.

Baguhan mang maitutu­ring si Sean, agad nagpakita ito ng kahusayan sa pag-arte kung ang teaser ng Anak ng Macho Dancer ang pagbaba­sehan, bukod pa sa husay sumayw dahil miyembro siya ng isang boyband (Clique V) na pinama­mahalaan ng 3:16 Events and Talent Management ni Len Carillo. 

Ayon kay Sean sa mga lumabas na interview nito na pinanood niya ang orihinal na Macho Dancer na pinagbidaan noon ni Allan Paule at naganda­han siya sa pelikula.

Medyo na shock lang siya sa ilang eksena ng umaati­kabong love scene ni Allan at sa tapang nitong paghuhu­bad.

At kung mas mata­pang at mapa­ngahas ang Macho Dancer, doble nito ang Anak ng Macho Dancer.

Saludo nga ang direktor ng Anak ng Macho Dancer kay Sean dahil wala itong keber sa daring na eksena. Very professional ang binata at ‘di pinasakit ang kanyang ulo.

Makakasama ni Sean sa Anak ng Macho Dancer sina Allan, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Loren­zo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Na­than, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa. Itoy hatid ng The Godfather Productions ni Joed Ser­rano at idinirehe ni Joel Lama­ngan.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …