PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P10,000 service recognition incentive para sa regular at contractual na empleyado ang kanilang mga kawani.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance Nos. 2020-44 at 2020-45 na nagbibigay ng cash incentives sa 534 regular at 1,832 contractual employees na nagtrabaho sa pamahalaang lungsod ng hindi bababa sa tatlong buwan.
“Our employees have been instrumental in our fight against CoVid-19. Their commitment to fulfilling their duties despite risks enabled us to respond effectively to the pandemic and manage our CoVid situation,” ani Tiangco.
“We want to recognize all their hard work and sacrifices, and motivate them to continue giving their best in service of Navoteños,” dagdag niya.
Dating nagbigay ang pamahalaang lungsod ng P5,000 cash assistance sa 208 miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).
Noong Agosto, naglabas din ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance ng 428 city health frontliners.
“This year has been tough for everyone, especially for our frontliners and employees. That is why we continue to encourage every Navoteño to do their part. Practicing safety measures and taking care of themselves contribute much in our fight against COVID-19,” sabi ng alkalde.
Naglaan ang Navotas ng P20,000,000 mula sa Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa pagbili ng bakuna sa CoVid-19.
(ROMMEL SALES)