Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, maikakasal na rin kay Neil ngayong 2021

MUKHANG matutuloy na rin ngayong 2021 ang pagpapakasal ni Angel Locsin sa kanyang boyfriend na si Neil Arce. Si Niel na rin mismo ang nagsabi na iyong kasal nilang naudlot dahil sa pandemic noong nakaraang taon ay gagawin na nila this time. Hindi nila itinuloy ang balak nilang kasal last year dahil bawal nga ang malalaking pagtitipon, at sinasabi nga nila na parehong malaki ang kanilang pamilya at marami silang mga kaibigan na hindi puwede iyong sampung tao lamang ang mga bisitang puwede.

Kung ipipilit nila iyon, marami rin naman ng sasama ang loob sa kanila.

Eh ngayon, kung totoo ngang may darating nang bakuna laban sa Covid19 sa kalahatian ng taon, baka naman sakaling lumuwag na iyang ipinaiiral na quarantine, at maaari na silang mangumbida pati ng kanilang mga kaibigan sa kanilang kasal. Ang totoo nga marami na ang nabuburyong sa bahay dahil diyan sa quarantine na iyan eh, kaya kung ano-ano na rin ang ginagawa ng mga tao.

Isa pa, sinasabi ngang ito na rin siguro ang tamang pana­hon para mag-asawa si Angel. Bale 36 years old na rin siya sa taong ito, bukod doon hindi naman siya masyadong aktibo ngayon sa kanyang career dahil wala namang nagpo-produce dahil sarado pa ang mga sinehan, at sarado rin naman ang ABS-CBN. Iyong talent fee ng mga malalaking artista na kagaya ni Angel, hindi kaya ng bayad sa commercial niyong mga show na ipinalalabas lamang sa cable at internet. Iyon namang nakuha nilang estasyon, iyong Channel 11, mahina ang signal bukod pa nga sa analog lang ang transmitter niyon.

Sa panahong ito na hindi naman ganoon katindi ang kanyang career, at hindi siya makakilos nang husto dahil baka ma-redtag na naman siya, mas maganda na nga sigurong mag-asawa na lang siya. By the time na magbalik sa dati ang career niya, nakapag-asawa na siya at baka may anak na rin. Ayos na iyon.

Isa pa, wala na rin namang hinahabol sa kanyang career si Angel. Kinikilala na siya bilang isang mahusay na aktres, at siguro naman sa mga kinita niya ay nakaipon na siya nang sapat para sa buhay niya at isuporta sa kanyang pamilya kahit na may asawa na siya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …