SUPORTADO ni Raffy Tulfo ang businessman at dating Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino. Katunayan, mayroong silang collaboration na dapat abangan.
Potensiyal na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS sa rami ng subscribers nina Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.
Wala pang dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa entertainment streaming app.
Tiyak na dadami pa ‘yan kapag ipinalabas na ang pagsasama nila ni Raffy.
Samantala, namahagi rin si Wilbert noong December 24 sa kanyang mga ka-freshness subscribers sa YouTube ng Noche Bola Raffle Bonanza.
Ang mga premyo ay 1 unit ng Yamaha NMax 155cc., 1 winner ng P100,000 cash, 2 winners ng P50,000 cash, 3 units IPhone 12 ProMax 512GB, 2 units IPphone 12 ProMax 256GB, 500 subscribers for P500 GCash, 500 subscribers ng P400 GCash, 500 subscribers ng P300 GCash, at 500 subscribers ng P200 GCash.
Generous talaga si Wilbert at maraming napasaya noong Kapaskuhan.
“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” lahad niya.
“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Gayundin sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” deklara pa ni Wil.
Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.
Mag-o-organize siya ng The Philippine Influencer Awards 2021.