Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jojo Bragais, pinagmalditahan ng isang beauty queen

HINDI rin pala nakaligtas at nakaranas ding pagmalditahan ang shoe maker at CEO/President ng Bragais Shoes na si Jojo Bragais nang nagsisimula pa lamang siya.

Kuwento ni Jojo, bigla siyang pinagsaraduhan ng pintuan ng sasakyan ng aktres/beauty queen sa hindi niya malamang dahilan. Nakaramdam ng pagkahiya si Jojo sa sarili kaya naman tinandaan niya iyon.

Ngayong sikat na si Jojo, nag-krus ang kanilang landas ng beauty queen at pabirong ikinuwento ang nangyari. Pero ‘di  na matandaan ni beauty queen and if ever may ganoong pangyayari ‘di raw intensiyon iyon.  Baka raw hindi lang napansin ng aktres/beauty queen na papunta sa kanya si Jojo.

Pagkatapos ng palinawagan, naging okey na sina Jojo at ang beauty queen na ayaw nang pangalanan kung sino. Ang mahalaga ay okey na sila.

Sa ngayon, maraming bago sa buhay ni Jojo katulad ng pagpo-produce ng pelikula, show, at BL series na mangyayari sa 2021. Kasama rin dito ang game show na siya mismo ang host, ang Ready Get Set Jo na  mapapanood sa January 2021.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …