Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edward at Maymay, may sumpaan

ANG pelikulang Princess DayaReese, na bida ang loveteam nina Maymay Entrata at Edward Barber ang opening salvo ng Star Cinema sa Bagong Taon. Showing ito mismo sa January 1, 2021.

Sa virtual media launch ng pelikula, ikinuwento nina Maymay at Edward ang role nila sa kanilang pelikula.

Sabi ni Maymay, “May dalawang character ako rito, si Reese at si Princess Ulap, siya ‘yung Prinsesa ng Pandaraya. Kaya tinawag siyang Princess DayaReese, kasi dinadaya ni Reese ang pagiging prinsesa niya nang alukin ng totoong Princess Ulap na maging prinsesa dahil magkamukha sila. 

“Iba ‘yung priority nina Reese at Princess Ulap sa buhay nila. Si Reese, ang goal niya talaga, is pera-pera. ‘Yung isa naman, love, love, love. Definition niya ng love is, sacrifice. Kumbaga, mawala man sa kanya ang lahat, para sa minamahal niya, gagawin niya.”

At ang sabi naman ni Edward tungkol sa kanyang role, “Ang character ko po rito ay si Calev Abdon. Isang producer, journalist, reporter. He’s making a documentary about the ‘King of Oro.’ Kaunti lang ang nakakapasok sa isla. I’m a part of 3-man team. Ang kasama ko sa team na ‘yun ay si Pepe Herrera, tapos si Taku. So film crew kami roon sa isla. And we’re trying to unravel the secrets of Oro. So at heart, truth-seeker ako.”

Ano ang important lesson na nakuha nila sa pelikula?

Ang important lesson na nakuha ko sa movie na ito,  ay ‘yung pagkakatotoo sa sarili mo, na hindi mo kailangang magpanggap para mahalin ka roon sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Na ‘di mo kailangan madaliin ‘yung pagkuha mo sa pangarap mo. Bale ang sarap kasi sa pakiramdam kapag nakita mo ‘yung produkto ng alam mong pinaghirapan mo,” sagot ni Maymay.

“It’s okay to make mistakes. Whether as a character or as an actor. It’s really okay to make mistakes and you don’t have to be perfect every time. I’m a perfectionist in every way, I’ve tried to be perfect. But it’s okay to make mistakes. If you fall down, get back up. Super cheesy pero totoo. When you realize it yourself, and you have that kindness to yourself na okay, nagkamali ka, just keep on going, don’t give up. No one’s expecting you to be perfect except yourself. Allow yourself to breathe. Be kind to yourself,” sagot naman ni Edward.

Loveteam at close friends lang ang MayWard. Sa tanong kung ano ang friendship vow nila sa isa’t isa, ang sabi ni Maymay, “Friendship vow ko kay Edward, kahit ano pa man, like kung mayroon ka mang pinagdaranan, nandito  lang ako para sa ‘yo. Isa ako sa prayer warrior mo. Pinagpe-pray kita, hindi lang ikaw, kundi pati pamilya mo na maging maayos kayo lagi. Lagi kayong maging malusog at lagi kang masaya. Kasi ako support kita, kung saan ka masaya. Masaya ako para sa ‘yo bilang matalik na kaibigan mo. Nandito lang ako lagi para sa ‘yo. Sa work man ‘yan, of-cam at saan pa.”

In return, nangako naman si Edward na gagawin niya ang lahat para protektahan si Maymay.

“My promise is to do my best in protecting not necessarily physically. I mean I’ll always be there to protect you in any way. I know you. I know your heart. I’ll be there to try and protect you even though there’s so many times, it’s not hard to see that she doesn’t need it. But I’ll be there to always pray for you. l’ll always have your back in everything that you do.”

Princess DayaReese will be available on KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC (tfc.tv), IPTV, Cignal PPV (my.cignal.tv), and Sky Cable PPV (mysky.com.ph) starting January 1, 2021.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …