Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Adolf at Direk Jay, nagbanggaan: Ipokrito ka!

BAGO mag-Pasko, ewan naman namin kung bakit nagkatamaan naman ang dalawang director. Nagsimula lang iyon nang kondenahin ni direk Adolf Alix ang ginawa ng isang pulis na pagpatay sa walang kalaban-labang mag-ina sa Tarlac. Walang armas na kahit na ano ang mag-ina, na binaril agad sa ulo ng pulis.

Nang kondenahin nga iyon ni direk Adolf ay sinabihan iyong “ipokrito” ni direk Jay Altarejos. Iyon pala ay dahil sa sinasabihan nga raw ni direk Adolf na dapat kondenahin ang namaril na pulis pero siya ang gumawa ng pelikula tungkol sa dating chief PNP na si Bato dela Rosa na siyang nagsimula ng “tokhang.”

Pero teka, wala naman yatang napatunayang pagpatay na ganoon kabrutal dahil sa “tokhang.” Iyong tokhang kasi ay “katok at hangyo,” na ibig sabihin, kakatukin sa bahay at pakikiusapang tumigil na sa droga. Pero nagkaroon nga ng kaibang kahulugan iyong “tokhang” nang sunod-sunod na nagkaroon ng pagpatay noon sa mga sinasabing “drug suspects.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …