UNTIL now, hindi pa rin nagsi-sink-in kay Adrian Lindayag na bida na siya sa isang pelikula na rati ay pinapangarap lamang niya. At sa kauna-unahang pagkakataon, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng The Boy Foretold By The Stars na entry ng The Dolly Collection, Brainstormers Lab and Clever Minds, Inc. sa 2020 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Dolly Dulu.
Ayon kay Adrian, “Parang panaginip po! ‘Di pa rin po nagsi-sink-in sa isip ko.”
Dagdag pa nito , “Pero anuman po ang maging reaction ng tao sa pelikula, proud po kami sa trabahong ibinigay ng bawat isa kasi labor of love po talaga ang film na ‘yan. Lahat po kaming involved mula prod, staff, cast to crew, hanggang sa post/editing at promo team, buong puso ang ibinubuhos.” Anong masasabi mo na ayon kay Keann Johnson, napaka-professional mong katrabaho. “’Yun naman po ang turo ng magulang ko sa akin, lalo na ni daddy. Ako po nagpapasalamat sa kanya kasi napaka-gentleman at maalaga. Walang ilangan and I believe we work well together as a team/as partners.”
Ano sa tingin mo ang lessons na matututuhan ng mga manonood ng The Boy Foretold by the Stars? “That everyone, whether straight or LGBT, deserves a beautiful love story. Sana po ‘yung mga batang beki na nakakaramdam na hindi sila tanggap sa bahay/pamilya/school at nakakaranas ng pang-aapi dahil “malambot” sila eh makita nila ‘yung sarili nila kay Dominic at sabihin nila, ‘Wow pwede rin pala mangyari sa akin ‘yan’
“I want the effeminate little boys to feel validated and seen. I want them to realize that they are valuable and worthy of love and all the good in life.”
Sinabi pa ni Adrian na, “Sana magustuhan ng mga manonood ang movie namin ni Keann, dahil ibinigay talaga namin ang best namin dito.”
Kasama rin ni Adrian sa The Boy Foretold by the Stars si Iya Mina. Ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Dolly Dulu, hatid ng The Dolly Collection, Brainstormers Lab and Clever Minds, Inc.
Kaya sa Dec. 25, sabay-sabay nating panoorin ang The Boy Foretold By The Stars sa UPSTREAM.ph, ang online platform ng MMFF 2020.
MATABIL
ni John Fontanilla