Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Missing, pang International ang dating

PANG-INTERNATIONAL ang dating ng horror film na The Missing na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Joseph Marco, at Miles Ocampo sa mahusay na panulat ni Direk Easy Ferrer at hatid ng Regal Entertainment Inc. Isa ito sa entry sa Metro Manila Film Festival 2020.

Ayon kay Direk Easy kilala naman ang Regal Entertainment sa paggawa ng mga hit horro movie sa Metro Manila Film Festival like Shake,Rattle & Roll na talaga namang inaabangan tuwig MMFF, kaya naman ngayong araw ng Kapaskuhan ay muling mananakot ang Regal Entertainment via The Missing.

Kuwento pa ni Direk sa kung bakit dapat panoorin ang The Missing, “Well unang-una dapat maramdaman n’yo ‘yung takot, sinubukan namin pantayan. Kahit hindi malagpasan ‘yung mga iconic horror movie ng Regal (Films).

Iniba namin ‘yung atake para iba naman ang mapanood ng mga audience para ibang experience naman ang makuha nila dahil nga overseas shoot kaya bago ‘yung timpla ng kuwento hindi siya typical horror story.”

Pero panigurado ni direk Easy na bukod sa nakatitindig balahibong mga eksena, maganda at may kapupulutan ng aral ang The Missing.

Dagdag pa nga ni Direk na hindi siya pinahirapan ng kanyang mga artista na nagpagaan sa trabaho niya kaya naman walang problema at smooth ang kanilang shooting.

Kuwento naman ng mga bituin ng The Missing na sina Ritz Azul, Joseph Marco, at Miles  Ocampo na wala naman silang creepy experience during shooting, walang nagpakitang multo o nagparamdam sa kanila.

Pare-pareho nga silang first timer na magka-trabaho at naging maganda ang kanilang working relationship kaya naman after ng shooting ay nanatili silang magkakaibigan lalo na sina Ritz at Miles na naging instant close friends.

Base na rin sa napanood naming trailer, pang international ang dating at pqgkakagawa ng pelikula.

Mapapanood ang The Missing sa Kapaskuhan (Dec.25) sa 2020 Metro Manila Festival.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …