Tuesday , April 22 2025
Sipat Mat Vicencio

Comelec kontrolado ng Smartmatic

SA kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ibasura at huwag nang tangkilikin ang Smartmatic, nakapagtatakang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag at paghahari nito sa loob ng Comelec.

Kung hindi aaksiyon si Digong, malamang makuha ng Smartmatic ang P660.7 milyon kontrata para sa pagsasaayos ng vote counting machines (VCMs) na muling gagamitin sa nakatakdang 2022 presidential elections.

Kung matatandaan, malinaw ang sinabi ni Digong sa Comelec: “Dispose of that Smartmatic, and look for a new one that is free of fraud.”

Ayon sa pangulo: “Smartmatic is no longer acceptable to me and to the people.”

Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi sinusunod ng Comelec ang direktiba ni Digong na tuluyang ibasura na ang Smartmatic.  Bakit nga ba napakalakas ng Smartmatic sa Comelec? Ano ba talaga ang dahilan?

Nabuko ang patuloy na pakikipag­transaksiyon ng Smartmatic sa Comelec, matapos madiskalipika ang Pivot International Inc. – Power Serve Inc, (PII-PSI JV), ang nag-iisang kalaban ng Smartmatic sa bidding para maging system provider sa nalalapit na halalan.

Dahil sa ginawang pagsibak ng Special Bids and Awards Committee-Automated Elections Systems (SBAC-AES) sa Pivot, malamang Smartmatic na ang mananalo sa bidding dahil sa nag-iisa na lamang at walang kalaban.

Kaya nga, nasa kamay ngayon ng SBAC-AES kung pagbibigyan nila ang panawagan ng Pivot na irekonsidera ang ginawang disqualification sa kanila dahil kung hindi, tiyak na mapagdududahan ang Comelec na mayroong hokus-pokus sa ginagawang bidding.

Kung tutuusin, ang Pivot ang may mas mababang bid kompara sa presyo ng Smartmatic. Makatitipid ang Comelec ng P147,443,308.45 kung ang Pivot ang mananalo sa bidding.

Base sa Invitation to Bid, ang project ay mangangailangan ng refurbishment ng 97,345 units ng VCMs; 109,745 pieces ng SD cards (main); 109,745 pieces ng Worm SD Cards (Back up) at 250,000 pieces ng cleaning sheets.

Marami ang nagsasabing malalim na taktika o laro ang ginawa ng Comelec nang suspendehin ang Pivot dahil ang tanging maiiwang bidder ay Smartmatic at malamang na ito ang pormal na ideklarang panalo.

Hindi kailangang pabayaan na makalusot ang Smartmatic. Mismong si Digong ang nagsabing dapat ‘sipain’ na ito at kumuha ng bagong supplier na hindi mandaraya. Wala nang tiwala ang taongbayan sa Smartmatic, dapat na itong kalusin.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *