“BIRTHDAY ko naman ngayon eh, padalhan mo naman ako kahit na 1K lang,” ang sabi sa text ng isang male sexy indie star sa isang kilalang gay talent manager. Hindi naman ikinaila ng gay talent manager na naka-date niya ang dating indie star noong araw, pero mukhang hindi na nga niya pinapansin.
“Bakit noon bang kasikatan niya sasama siya kahit na one ow ow lang ang itatawad mo sa serbisyo niya? Hindi rin naman eh, bakit ngayon makikiusap siyang padalhan siya ng pera?” sabi ng gay talent manager.
“Isa pa, hindi lang naman ako ng hinihingan niyan. Napakaraming pinadadalhan niyan ng text, kasi group texting na iyan. Iyong natatanggap kong text, natatanggap din ng lahat ng iba pang mga baklang kakilala niya. Kasi naghihirap iyan ngayon, hindi kasi makaalis ang ka-live in niyang Japayuki, inabot dito ng lockdown,” sabi pa ng gay talent manager. (Ed de Leon)