PANSIN ng isang talent manager sa isa naming blind item, “noon pa ginagawa niyang si male star na magpa-book. At taga rin kung humingi iyan ng pera, kasi ipinagyayabang niya na hindi lang siya pogi kundi may ipagmamalaki pang talaga. Personally alam ko iyon,” sabi ng talent manager na bading.
“Pero tama rin, ngayon ay matanda na siya. Dalawa na ang anak niya, At saka kung sino-sino nang bading ang naging asawa niyan kaya tumigil iyang mag-artista eh. Hindi na niya mabobola ngayon ang mga bading na taga-Manila. Roon na lang siya sa probinsiya nila baka sakali pa. Bihira ang pogi roon pero rito ang daming pogi at bagets pa, at mura pa,” sabi ng talent manager.
Ang dagdag niyang tsismis, “may mga foreign model pa nga na mas mura pa.”
Aba sino naman ang mga iyan? Kung sa bagay, marami na ang tsismis na “suma-sideline” nga rin daw ang mga iyan, at ang “booker” alam na ninyo kung sino. (Ed de Leon)