Saturday , November 16 2024

SALN ni Speaker Lord et al dapat isapubliko

DAPAT pangunahan mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco at ibang mambabatas ang pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) at gawing madali ang paghingi ng kopya nito para sa publiko.

Ito ang reaksiyon ni Institute for Political Reform (IPER) Executive Director Ramon Casiple sa harap ng inihaing resolusyon nina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na humihiling na magkaroon ng House Inquiry in aid of legislation ukol sa kasalukuyang batas kaugnay sa paghahain ng SALN ng government officials and employees.

Ang resolusyon nina Defensor at Marcoleta ay nag-ugat sa naging pagbasura ng Korte Suprema sa mosyong nag-aatas kay Associate Justice Marvin Leonen na ipresinta ang kanyang SALN na sakop mula nang magturo bilang faculty member ng University of the Philippines (UP).

Dahil hindi nailabas ang SALN ni Leonen ay hiniling nina Defensor at Marcoleta na magkaroon ng House Inquiry ukol dito sa batayang karapatan ng bawat Filipino na malaman ang SALN ng mga public official.

Buwelta ni Casiple, ang Kamara ang dapat maging ehemplo sa pagsunod sa batas hinggil sa SALN.

“Sa SALN, ang concept talaga riyan ay para ‘answerable’ ang mga public official, kaya ang principle na sinusunod ay accessible dapat ‘yung SALN na ‘yan. Hindi na dapat pang pagdebatehan kung nararapat bang ilabas o maisapubliko ang SALN ng mga nasa gobyerno. Bakit ka nagkaroon in the first place ng ganoong klaseng concept ng SALN kung hindi available?” paliwanag ni Casiple.

Kung mayroon din umanong dapat na maging bukas sa kanilang SALN, ito ay walang iba kundi ang limang pinakamatataas na opisyal sa gobyerno kabilang sina Pangulong Duterte, Vice President Leni Robredo, Senador Vicente Sotto III, House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Diosdado Peralta.

Ang paglalabas ng SALN ay isa sa pinakamalaking hamon sa elected at government officials, bagamat obligado ang mga nasa gobyerno na magsumite kada taon ng SALN ay hindi naman nailalabas ito, sa Kamara halimbawa, ang record ng SALN ay guwardiyado ng CCTV.

Hindi rin ganoon kadali ang paghingi ng kopya nito, sa ilalim ng House Resolution 2467, sinumang nagnanais na magka-access sa SALN ng mga mambabatas ay dapat may final approval ng House Plenary.

Kaya nangangahulugan na bago pa man pumayag ang isang kongresista na ibigay ang kanyang SALN ay kailangang i-deliberate muna ng Committee on SALN Review and Compliance at aalamin sa requesting party ang dahilan at kung saan gagamitin ang SALN.

Panunumpaan din ng requesting party ang sworn undertaking at declaration portion na nagsasaad na kung saan lamang maaaring gamitin ang SALN sakaling pumayag ang komite na magbigay ng kopya.

Nabatid na mula noong 2019 nang mabalangkas ng bagong rules sa pagkuha ng SALN ay wala pang aplikasyon o nagre-request ng SALN ng mga mambabatas.

Isa ang isyu ng SALN sa ipinipukol din kay House Speaker Lord Allan Velasco, una nang naiulat na si Velasco ay mayroong shares sa San Miguel Corporation base sa company report noong 2017 na lumabas pa na kabilang siya sa Top 100 Stockholders at mayroon din 2%  shares sa Petron Corporation  base sa 2017 annual report ng kompanya ngunit hindi ito deklarado sa kanyang SALN.

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *