Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, binagsakan ng suwerte ni Joed

DALAWANG uri mayroong ng himala sa mundo ng showbiz. Isang tinatawag na suwerte at mayroon ding malas.

Sa sitwasyon ni Nora Aunor, nagkaroon ng mala-himalang suwerte noong aluking gumanap sa pelikulang Kontrabida na ipo-prodyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano na isang batang That’s Entertainment.

May bagong discovery si Joed, si Charles Nathan at kinuha si Nora bilang star ng pelikula. Pangarap kasi ni Joed na maging artista niya sa production si Guy at hindi siya nabigo nang pumayag ang magaling na aktres.

Hindi rin akalain ni Nora na bibigyan na siya agad ng down payment at hindi akalaing malaki ang ibibigay ni Joed.

Imagine nga naman sa panahon ng Covid nagkapera siya at makapagbibigay ng Pamasko sa mga nagdarahop na kasabayan noong panahon ng bagyo at baha dulot ng Ulysses. Kahit hirap sa pera at nakakulong sa taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa San Mateo, nagawa pang magpadala sa mga kababayan sa Bikol.

Sabi nga, when you give,  darating at magbabalik sa iyo ang mga naitulong din sa kapwa.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …