Thursday , December 26 2024

2021 nat’l budget responde sa pet project ng solons (Hindi CoVid-19 response)

KAPWA tinuran nina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson at Senator Franklin Drilon na pagkukunwari na CoVid-19 responsive ang 2021 national budget dahil kung hihimayin ay sasabog ang P28.35 bilyong ‘singit’ o insertions na ginawa ng House of Representatives para sa kanilang favorite projects na ipinaloob sa infrastructure budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang P2.5 bilyon  lang ang ginarantiyang pondo para sa pagbili ng CoVid-19 vaccine.

Kasabay nito umapela si Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang P28.35 bilyong ‘singit’ na pondo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco gayondin ang iba pang mga double and overlapping appropriations kabilang ang 793 line items na may pondong P1 milyon hanggang P2 milyon bawat isa.

Sinabi ni Lacson, ito rin ang panawagan ni DPWH Secretary Mark Villar dahil kalimitang hindi nalalaman ng DPWH ang mga ‘singit’ na proyekto at nagugulat na lamang ang ahensiya na may pondo sa General Appropriations Act (GAA) ang  infrastructure project na hindi naman nila plinano at nalalaman na lang na pet project pala ng isang kongresista.

“Ang Senado kasi at House ay hindi dapat involved sa planning, kami nagbibigay lang ng authorization doon sa agencies na gumastos at pagkatapos nito ay oversight function, ang nangyayari even sa National Expenditures Program (NEP) nakapagsisingit na ang mga legislators, ‘yung mga listo at makikisig na congressman na may koneksiyon ay ginagamit ang kanilang posisyon para i-harass ang agencies na gusto nilang pakialaman ang budget, sobra na ang pakikialam ng lawmakers sa budget,” diin ni Lacson.

Aminado si Lacson, ang malalaking pondo na ‘singit’ sa 2021 budget ay walang  ibang dahilan kundi para magamit sa eleksiyon.

“‘Yung budget, taxpayers money ‘yan, matagal lang ma-educate ang taongbayan sa isyu na ito, ang nakikita lang nila ‘yung short term na pakinabang, gaya kapag eleksiyon ‘yung ibinibigay na P500 at P1,000 ni congressman o senador, hindi nila nakikita ang long-range implication, ‘yung tatlong taon na ibinoto nila e sinasalbahe naman sila,” dagdag ni Lacscon.

Samantala, hindi  nagustohan ni Lacson ang naging paliwanag ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na pinalusot din sa Bicam  ang mga budget insertions na ginawa ng Kamara dahil kapos na ang oras.

“Well I cannot accept that as a reason. Kaya namimihasa ang Kamara, ginagawang hostage ang budget,  kung ganoon na lang lagi ay vicious cycle na ito. Taon-taon na lang pagbibigyan ang ‘kapritso’ ng mga congressman para hindi i-hostage ang budget,” ani Lacson.

Umaasa si Lacson na hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na manaig ang “whims and caprices” ng mga kongresista, gaya ng ginawang pag-veto noon sa P95 bilyong ‘singit’ sa 2019 budget sa ilalim ni dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ay ganito rin ang gagawin sa 2021 budget na ipinasa ni Speaker Velasco.

Ang 2020 budget sa ilalim ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay hindi nai-veto dahil sa pagiging pork-free at walang parked funds.

Binira din ng kampo ni Robredo ang kawalan ng urgency sa CoVid-19 response sa ipinasang budget, aniya, P2.5 bilyon lang ang tiyak na pondo na pambili ng bakuna, bagamat may inilagay na P72 bilyong dagdag ay hindi klaro kung saan ito kukunin.

Taliwas ito sa nauna nang sinabi ni Speaker Velasco na sa 2021 budget ay nasa mas magandang posisyon na ang bansa para labanan ang CoVid-19.

Ani Robredo, ang pagbili ng bakuna ang dapat na may malaking funding ngunit nakagugulat na hindi ito ang naging prayoridad ng Kamara.

Gayondin ang puna ni Drilon, aniya, kung ang ibang proyekto ay tiyak ang pondo, ang ipambibili ng bakuna ay hahanapan pa lang ng budget na kukunin sa panibagong utang at non-tax revenue collections.

“It is like we issue a check without adequate funding. Sana po hindi mag-bounce. There is no definite revenue source for the purchase of CoVid-19 vaccine but there are P16.4 billion for anti-insurgency and P9.5 billion for confidential and intelligence funds,” paliwanag ni Drilon.

Ang Kamara ay inisyal na nag-allocate ng P8-bilyong programmed funds para sa CoVid-19 vaccines ngunit binalik itong muli sa P2.5 bilyon matapos bawiin ng mga kongresista ang P5.5 bilyong pond sa isinagawang bicameral deliberations.

Habang hinahanapan ng pondo ang CoVid-19 measures ng pamahalaan, may tiyak na pondo naman ang mga infrastructure budget ng mga kongresista.

Una nang sinabi ni Lacson na P650 milyon  hanggang P15 bilyon ang budget allocation ng bawat mambabatas sa ilalim ng 2021 budget.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *