Saturday , November 16 2024

Velasco ‘cheap’ (‘Deputy speakership’ pabuyang singko-mamera ng PH — MECO)

GINAWANG ‘cheap’ ni House Speaker Lord Allan Velasco ang posisyong Deputy Speaker ng House of Representatives na singkong mamera na lang na maituturing  nang gawin itong ‘pabuya’ sa mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row sa pagitan nila ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa kanyang column sa pahayagang Manila Standard sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo, sa ginawang pagdadag ni Velasco ng 9 deputy speakers na umabot na sa kabuuang 28 ay malinaw na wala nang dignidad at self respect ang Kamara.

Kung dati umano ay tatlo lamang ang Deputy Speaker na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong 28 na sila, lumalabas na bawat isang deputy speaker ay 10 mambabatas na lamang ang magiging hawak.

“Having 28 deputy speakers alone means each leader is theoretically in charge of just 10 other peers in the 300-member House. For reasons of self-respect and dignity, naman. Has anyone in the House of Representatives discovered the meaning of ‘gravitas,’” pahayag nito.

Aniya, hind lamang dagdag gastos ang pagkakaroon ng sang­katerbang deputy speaker kundi nanganga­hulugan din ito ng dagdag pa pakikialam sa mga polisiya.

“Not only because it costs our taxpayers additional perks, and a pre-emptive say on the pork, but also because the deputy speaker becomes a member of the “comite de paki-alam” as in puwedeng pakialaman ang lahat,” paliwanag ni to.

Ani Banayo, sa ginawa ni Velasco na gawin lahat na deputy speakers ang kanyang mga kaalyado ay lalo lamang nitong pina­baba ang imahen ng Kamara.

Gayondin ang tingin ng batikang political analyst na si Ramon Casiple, aniya, masyado nang pinahahalata ni Velasco na ang galawan sa Kamara ay bilang paghahanda sa 2022 elections, bukod sa dinag­dagan niya ang bilang ng Deputy Speaker ay dinagdagan din niya ng ilang bilyong piso ang infrastructure budget ng mga kaalyadong kongresista.

“Ito ‘yung kapalit ng suporta na natanggap niya (Velasco) sa mga kaalyadong congressman e, posisyon at pera, ang dali niyang ipamigay ang posisyon at pera pero ang pondo ng bayan ang nakataya,” pahayag ni Casiple na sa laki umano ng budget ng mga mambabatas ay kalahati lamang ang napupunta sa mga proyekto at kalahati ay sa bulsa.

Una nang sinabi ni Casiple na maituturing nang scandal ang pagka­karoon ng 28 deputy speaker dahil hindi kailangan ang ganito karaming posisyon na wala namang naga­gawa maliban sa dagdag gastos.

Ang siyam na bagong Deputy Speakers ay sina Arnolfo Teves, Jr.; Negros Oriental 3rd District Rimpy Bondoc; Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zam­boanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante, Jr., Manila 6th District at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep. Weslie Gatchalian at 1st District Rep. Eric Martinez.

Ang nabanggit na mambabatas ay may malaking papel na ginampanan sa pagbaba sa puwesto ni Cayetano kaya bilang kapalit nang maitalaga si Velasco na House Speaker ay plum position ang ibinigay para sa kanya.

Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din na perks gaya ng budget na P200-M at pagkakaroon ng voting powers sa mga committee.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *