TARGET nang ibalik ng North Luzon Expressway Corp. (NLEX) ang mga cash lane ngayong Lunes, 14 Disyembre.
Ayon kay Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), Chief Communications Officer Romulo Quimbo, bubuksan na nila ngayong araw ang cash lanes sa mga toll gate.
Dagdag ni Quimbo, tugon ang hakbang na ito sa kabi-kabilang reklamo dahil sa mga aberyang nararanasan ng mga motorista dahil sa radio-frequency identification system o RFID.
Dahil dito, ililipat din aniya ng NLEX ang mga RFID installation at account reloading sa Karuhatan at Mindanao toll plaza upang maibsan ang mabigat na trapiko.
Una rito, matatandaang naglabas ng manifesto ang mga alkalde ng Bulacan na hiniling ipahinto ang paggamit ng RFID at ibalik ang cash lanes dahil sa patuloy na pagbigat ng trapiko sa lugar.
(MICKA BAUTISTA)