IDINEMANDA ng Viva si Nadine Lustre dahil umano sa violation niyon ng kanyang contract. Kahit na sinasabing nakakontrata pa si Nadine sa Viva hanggang 2029, tumatanggap na iyon ng trabaho nang hindi dumadaan sa kanyang management company.
Pero bakit nga ba hinahabol pa nila si Nadine? Ang dalawang huli niyang pelikula, iyong Ulan at Indak ay parehong naging flop. Pumirma siya para sa isang serye sa ABS-CBN, na siguro hindi na rin naman magagawa dahil sa nangyaring shutdown ng network. Hindi na rin naman ganoon kainit ang love team nila ni James Reid. Hindi nila nakaya ang KathNiel, at nilampasan pa sila sa popularidad ng ibang love teams.
Ang masama pang epekto niyan, dahil sa sinasabi ngayon ni Nadine na ang dati niyang management company ay “abusive and oppressive” matatakot ang ibang producers na kunin siya. Wala nang mag-aalok sa kanya ng kontrata, at kung wala ka namang kontrata sa kanila, huwag kang umasa ng build up. Bakit pa nga ba siya hinahabol kung ganoon, eh ‘di pabayaan na lang nila tutal wala na naman.
HATAWAN
ni Ed de Leon