Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-PBA cager Bulacan mayor positibo sa CoVid-19

INIANUNSIYO ng isang dating star player ng PBA at ngayon ay alkalde ng bayan ng Bulakan na siya ay positibo sa CoVid-19.

Sa pahayag na nakapaskil sa kanyang Facebook page, napag-alamang asymptomatic carrier si Bulakan Mayor Vergel Meneses matapos ang RT-PCR test.

Ayon sa alkalde, siya ay kusang-loob na nagpasuri ng RT-PCR noong nakaraang Miyerkoles, 9 Disyembre, at bilang pagsunod sa health protocols ay bumukod at nag-isolate siya habang hinihintay ang resulta hanggang kinabukasan (Huwebes), 10 Disyembre lumabas ang resultang siya ay positive-asymptomatic.

Sumasailalim ngayon ang 1995 PBA Most Valuable Player at 2-time PBA slam dunk champion sa quarantine habang mino-monitor ang sitwasyon ng CoVid-19 sa kanyang nasa­sakupan.

Pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook post, “Batid po ninyo na ako ay kaisa ninyo, araw at gabi na nagbabantay at lumalaban sa paglaganap ng CoVid-19. Kung kaya ninais ng inyong lingkod na mag-self-quarantine sa isang ligtas na lugar na maayos na mapamumunuan ang mga gampanin sa ating pamahalaang bayan.”

Tiniyak ng dating coach ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa kanyang constituents na siya ay nasa maayos nang kalagayan sa kabila na siya ay nag-positibo sa CoVid-19.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …