TAMA si Mayor Vico Sotto. Hindi dahil sa kamag-anak ng mayor ay hindi na sisingilin ang mga kailangang magbayad. Medyo nahiya yata kasi ang mga taga-city hall na singilin iyong grupo ng GMA 7 na nag-taping sa isang public park sa Pasig, dahil ang bida roon ay si Vic Sotto na tatay ni mayor.
Nang malaman iyon ni mayor, siya mismo ang nagpunta sa set ng taping para dumalaw, at kasabay niyon ay naningil siya ng dapat ibayad para sa pagte-taping sa kanilang public park. Ang sabi ni Mayor, “kung kamag-anak, mas lalong dapat singilin.” na tama naman.
Maraming shows na ganyan eh. Kahit na may budget na pambayad sa location, kung maaari namang lumusot na hindi sila sisingilin, hindi sila nagbabayad talaga. Kaya iyan dapat ilagay na sa ayos, magbayad sila.
HATAWAN
ni Ed de Leon