Thursday , December 26 2024

DFO dapat iprayoridad sa senado (OFW leaders iginiit)

HINIMOK ng ilang lider ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mga komite ng Labor and Employment, Foreign Relations, and Finance sa Senado na ituloy ang deliberasyon ng mga nakabinbin na panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang Department of Filipinos Overseas (DFO).

Idiniin ilang matagal na dapat may iisang ahensiyang magbibigay ng komprehensibong tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga OFW.

“Ngayon na po ang tamang panahon. Matagal na po kaming naghintay. Huwag na po nating ipagkait na magkaroon ng isang opisina na mananagot kung maging mabagal ang serbisyo sa mga OFW,” pahayag ng Presidente ng OFW Global Movement Association and Cooperation Inc. (OFW-GMAC), Lalaine Dazille Siason.

Ang OFW Global Movement Association and Cooperation ay may 200 sangay sa buong mundo.

“Kung bagong bayani ang tingin ninyo sa amin, nararapat lang na aksiyonan ng gobyerno ang matagal na naming mga hinaing at idinudulog sa ating Kongreso,” pahayag ni Siason.

Simula aniya nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ay ipinangako sa kanila ang nasabing ahensiyang magsisilbing one-stop-shop na tutugon sa lahat ng kanilang pangangailangan — “lalo na kung malagay sa matinding panganib ang aming buhay, maging biktima ng pag-abuso o magkaroon ng pandemya tulad ngayon.”

Pasado na sa House of Representatives ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment bill noong 11 Marso 2020 sa ilalim ng pamumuno ng noo’y Speaker Alan Peter Cayetano na isa rin sa mga pangunahing may-akda nito. Sa kasalukuyan, siyam na magkakatulad na panukalang batas ang nakabinbin sa komite ng Senado.

Sa kabila niyan ay nasuspendi ang pagdinig para sa pagtatatag ng DFO noong Lunes, 7 Disyembre, matapos magmosyon si Minority Leader Franklin Drilon na i-“defer” o ipagpaliban muna ito hangga’t hindi natatalakay ang Senate Bill 244 o ang Rightsizing the National Government Bill.

Nanawagan din sa mga senador si Warpeace Arnold, ang Presidente ng Alliance of United OFWs na naka-base sa United Arab Emirates, na tugunan ang mga hinaing ng mga OFW.

“Sana po ay pakinggan kami ng ating mga butihing Senador na buksan muli ang pagdinig tungkol sa Department of Filipinos Overseas,” pahayag ni Arnold.

Si Arnold na ginawaran ng “Champion of Migration” ng International Organization for Migration (IOM) noong 2019 ay matagal nang nagsusulong ng mga programa para sa proteksiyon ng mga OFW at naniniwala siyang sa pamamagitan ng pagtatag ng DFO ay maaari matupad ang kanilang mga mithiin.

“Sa loob ng ilang dekada, malaki rin po ang naitulong ng mga kababayan nating OFW para palakasin ang ekonomiya ng Filipinas. Siguro po ay hindi ito kalabisan kung gagawing mas komprehensibo at mas akma ang mga serbisyo para sa mga OFW sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang ahensiyang tutugon sa mga problema ng ating mga kababayan na nagtatrabaho  sa iba’t ibang bansa,” dagdag niya.

Nagpahayag ng pagkadesmaya sina Siason at Arnold sa desisyon ng Senado na ipagpaliban ang hearing ng nasabing panukalang batas at sa pagdadalawang-isip na itatag ang isang departamentong para lang sa mga OFW na itinulak muli ni Presidente Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong 2019.

“Nasimulan na po ng Mababang Kapulungan ang proseso. Umaasa kaming bago matapos ang 2022 ay maipapasa na po ang bill na ito para matulungan ang halos 10 milyong Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo,” panawagan ni Arnold.

Hindi umano magdudulot ng mga bagong gastusin ang pagtatatag ng nasabing ahensya, taliwas sa sinasabi ni Senador Drilon.

“Hindi naman gagastos ang gobyerno nang ganoon kalaki dahil pag-iisahin lang ang mga ahensiya at serbisyo para sa mga OFW na pinopondohan na rin ng gobyerno taon-taon,” pahayag ni Arnold.

“Hindi po namin maubos maisip kung bakit hindi nila gustong pag-usapan ang mga kakulangan ng mga ahensiya at mga maaaring gawin upang mas mapaganda ang programa para mga OFW na nasa ibang bansa maging ang mga napilitang umuwi dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pandemya,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *