DAHIL sa matinding pangangailangan, umabot na ang isang male star sa pagte-text ng medyo mahalay sa isang kilalang businessman, bigyan lang siya niyon ng perang pambayad sa kanyang condo at credit card. Nalugi na rin kasi ang kanyang “bakery on line.” Talagang mahalay na ang text habang sinasabi niya kung ano ang maaari niyang gawin para mapaligaya ang kanyang date.
Kaya ang usapan, dahil nalugi na siya sa pagtitinda ng “monay” on line, ngayon ay gusto niyang magbalik sa pagtitinda ng “hotdog niya.” Grabe naman talaga.
Pero sanay na naman ang male star sa ganyan eh. Hindi ba natsismis pa nga noong araw na hindi pa siya artista, maski sa loob ng sementeryo ay pumapatol siya sa mga bading? (Ed de Leon)