GRABE pala ang tumamang Covid sa singer na si Ray-an Fuentes. Kasama niyang nag-positive ang buo niyang pamilya, pero ang pinaka-grabe ay ang kanyang asawang si Mei Lin Fuentes na nasa ICU na ng ospital at may nakakabit na ventilator. Si Ray-an ay naka-oxygen din dahil nahihirapan siyang huminga, at sinasabi nga niyang sinabihan din siya ng doctor na kung hindi pa aayos ang kalagayan niya ay baka ipasok na rin sa ICU.
Humihingi si Ray-an ng panalangin mula sa kanyang mga kaibigan at ang mga kaibigan naman niya ay nananawagan sa lahat na ipagdasal hindi lamang si Ray-an kundi ang kanyang buong pamilya. Sana naman ay maka-survive sila.
Kaya nga sinasabi ni Ate Vi (Vilma Santos), “kailangan mag-ingat ang lahat. Huwag na munang mag-Christmas party sa taong ito. Lilipas din ang Pasko. Kailangan matiyak natin na sa susunod na Pasko, magkakasama pa rin tayong lahat. Kailangan mag-ingat.”
HATAWAN
ni Ed de Leon