Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Mailap ang katarungan kay FPJ

ILANG taon na rin ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Fernando Poe, Jr., at magpahanggang ngayon ang alaala ng kinikilalang “Da King” ng Philippine movies ay nagpapatuloy at hindi pa rin naglalaho.

Taong 2004, 14 Disyembre, ganap na 12:01 ng madaling araw, sa edad na 65, namatay si FPJ sa St. Luke’s Hospital, Quezon City. Stroke na nagresulta sa celebral thrombosis at multiple organ failure ang dahilan ng pagkamatay ni Da King.

Sa kanyang burol sa Sto. Domingo Church, milyon-milyong katao ang nakiramay, at sa mismong araw ng libing ay naroroon at hindi pa rin iniwan ng mga tagahanga si Da King hanggang maihatid sa kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

At sa darating na Lunes, muling gugunitain ang ika-16 anibersaryo ng kamatayan ni FPJ.  Muli, sasariwain ng kanyang mga tagahanga ang alaala ng kanilang “hari.”   Hindi na yata kalianman maglalaho sa kamalayan ng taongbayan ang kanyang alaala.

Masakit para sa mga tagahanga ni FPJ ang pagkamatay ng kanilang idolo. Marami ang naniniwala na dinaya ni GMA si FPJ noong 2004 presidential elections at ito ang naging dahilan kung bakit binawian ng buhay si FPJ.

Katarungan ang hinahanap ng mga nagmamahal kay FPJ.  Hindi mapaghihilom ang sakit na naramdaman ng mga tagahanga ni FPJ magpahanggang ngayon kung walang katuparan ang naging kamatayan ni Da King.

Wala ring katotohanan ang sinasabing nilimot na ng taongbayan si FPJ. Malinaw na ang ganitong pagpapalutang ay pakana ng mga kalaban para hindi maipagpatuloy ang naiwang laban ni Da King.

Hindi dapat mapanghinaan ng loob ang mga taong magpapatuloy ng laban ni FPJ lalo na ang kanyang mga supporters na umaasa na darating ang araw, ang matagal na hinahanap na katarungan, ay kanilang makakamit sa hinaharap.

At dahil sa pandemya, hindi pa natin alam kung papaano ang plano ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe sa ika-16 anibersaryo ng pagpanaw ni FPJ.  Kung walang event o pagtitipon na gagawin sa Manila North Cemetery, malamang sa kani-kanilang tahahan na lamang ang gagawing pagdarasal o paggunita ng kamatayan ni Da King.

Hindi pa nga tapos ang laban at kailangang ipagpatuloy ng naiwang tagapagmana ni FPJ ang laban para sa taongbayan.  Hindi kailangang tumigil na pag-alabin ng mga nagmamahal ang alaala ni FPJ.  Hanga’t walang nakakamit na katarungan, tuloy ang laban ni Da King!

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …