Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ben x Jim, may Season 2; Teejay at Jerome, sobrang nagpakilig kahit walang halikan

TIYAK sasaya ang lahat ng mga taong nalungkot at nabitin  sa pagtatapos ng Season 1 ng maituturing na pinakasikat na BL series sa ngayon, ang Ben x Jim na nagtapos  noong November 26 na pinagbibidahan nina Teejay Marquez ( Ben ) at Jerome Ponce (Jim), mula sa  panulat at direksiyon ni East Ferrer.

At dahil sa dami ng nabitin at nagre-request na magkaroon ito ng season 2, nagdesisyon sina Roselle MonteverdeMother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc.  at Direk Easy na pagbigyan ang hiling ng libo-libong netizens.

Kuwento ni Direk Easy, “Wish granted ! May season 2 (Ben X Jim) po kami, para pagbigyan ‘yung request ng mga taong tumangkilik ng ‘Ben x Jim.’

“Kaya babalik muli sina Ben (Teejay), Jim (Jerome),  Olan (Ron Angeles), Flo (Kat Galang), at Yana (Sarah Edwards).”

Sobrang happy nga si Direk sa naging outcome ng Ben x Jim with millions of views at laging trending sa Twitter at usap-usapan sa social media.

“Overwhelmed. Kasi hindi ko naman in-expect na ganoon ‘yung magiging result.

“Noong una nakakatakot dahil saturated na nga ang BL sa Pilipinas, baka wala nang pumansin sa ‘Ben x Jim.’

“Nagtiwala na lang ako sa materyal ko. Siguro ganoon kapag galing sa puso. And buti nagtiwala  si Ms. Rosellena gawin namin ito at eto nga may season 2 na kami.”

At sa pagbubukas ng  Season 2 ng Ben x Jim ay napi-pressure si Direk Easy dahil alam nitong mas mataas ang expectation ng mga taong tumangkilik sa unang season.

“Siyempre mayroon. Dapat talaga mas bago na ang ibigay. Marami ako natutuhan sa  Season 1 na ngayon mapapagbuti ko sa ‘BXJ Forever.’”

Masaya din si Direk dahil napansin ang husay umarte at mas nakilala ang mga artistang kasama sa kanyang series. “Actually nakaka-proud sila. Sabi ko naman noong shoot, ‘basta galingan lang natin. Ang mahalaga minahal natin ang project.’

Dagdag pa ni Direk Easy, “Sobrang laking bonus na marami ang nakapansin ng acting ni Teejay. Breakout star sina Ron at Sarah. Si Kat naman sementado na talaga noon ang craft niya, mas marami pang naka-appreciate ngayon. Si Jerome naman given ng magaling, nakatutuwa lang na may chemistry sila ni Teejay.

“Nakatutuwa. Kahit minimal interaction sila sa social media at walang masyadong fan service, nakatutuwa na tinangkilik pa rin sila.”

At kahit nga walang grabeng kissing scene at love scene ang Ben x Jim katulad ng ibang BL series ay tinangkilik pa rin ito at naghari sa lahat ng BL Series na pinalabas ngayong taon.

“Actually, kaya naman talaga dalhin ang kilig ng wala ang mga ‘yun (halikan). Depende pa rin talaga sa hinihingi ng kuwento.

Bukod sa Ben x Jim, sandamakmak ang proyektong ginagawa ni Direk Easy ngayon. “Aside from doing Season 2 of ‘Ben x Jim’ title ‘BXJ Forever,’ I just finished ‘Soul Sisters’ with Momshies Karla Estrada, Jolina Magdangal, and Melai Canteveros.

“I am also doing a romcom movie for Regal Entertainment. Script development pa lang siya, pero exciting ang cast, Jane Oineza and an exciting lead guy. And an iWant series starring Ronnie Alonte and Loisa Andalio. May horror thriller din under Regal Entertainment to be shot first quarter ng 2021,” pagtatapos ng mabait at mahusay na direktor.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …