NAGISING kami isang madaling araw, bukas ang aming TV, at ang palabas ay isang lumang pelikula na ang star ay si Hilda Koronel. Napakaganda ni Hilda, at napakagaling na aktres. Noon, maraming magagandang reviews sa kanyang acting kahit na sa festival sa Cannes. Ngayon tinatanong ng marami, bakit nga ba walang nakapalit kay Hilda sa mga artista natin ngayon?
Noong panahon na nariyan pa si Hilda, ang naaalala naman ng mga tao ay ang mga aktres na sina Lolita Rodriguez at Marlene Dauden. Bakit nga ba walang nakapalit kina Lolita at Marlene?
Ibig bang sabihin niyan ay patuloy na bumababa ang kalidad ng ating mga artistang babae? Nakalulungkot sabihin na kung ang batayan lamang ay ang mga batch ng artistang babae sa ngayon, mukhang totoo nga.
HATAWAN
ni Ed de Leon