Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

April Boy, nagbalik-loob sa Diyos kaya mapayapang yumao

IPAGPATAWAD ninyo, pero noong mapanood namin ang ini-replay na huling interview ni Jessica Soho sa namayapang singer na si April Boy Regino, ang talagang pumasok sa isip namin ay ang awitin ng isa pang namayapang singer, si Rico Puno. Sa kanta ni Rico sinasabing, “ang tao’y marupok, kay daling lumimot sa Diyos na ang lahat siya ang nagdulot.”

Iyon kasi ang inamin ni April Boy, na dumating din sa kanyang buhay ang panahong medyo nalasing siya ng kaunti sa kanyang tagumpay. Hindi mo naman siya masisisi dahil noong panahong iyon talagang sikat na sikat si April Boy. Hindi pa siya nagsisimulang kumanta, nagtitilian na ang mga tao. Basta naghagis na siya ng kanyang baseball cap, talagang agawan. May pagkakataon pang may nakita kami na may hinimatay.

Talagang kung minsan, nakalalasing din ang ganoong tagumpay, na inamin nga niyang “ang akala ko wala nang katapusan.” Pero pagkatapos niyon, nagkaroon siya ngsakit. Umatake na ang kanyang diabetes. Nagkaroon pa siya ng cancer. Parang hindi pa husto iyon, dahil sa diabetes nabulag pa ang isa niyang mata, at kailangang sumailalim sa isang operasyon para kahit na paano ay makabanaag na muli.

Dahil din sa sakit, natigil nang matagal ang kanyang career. Doon muli siyang bumaling sa Diyos.

Bata pa si April Boy nang yumao, 59 lang pala siya. Pero tama ang sinasabi ng mga tao, mapayapa siya sa kanyang pagyao, makikita mo naman iyon sa kanyang hitsura habang nakahimlay, naka-postura nang husto at may suot pa ring baseball cap. Kasi alam nilang mas matutuwa siya kung hanggang sa huling sandali makikita siya ng mga tao sa ganoong ayos, at may baseball cap.

Ang mahalaga ay natutuhan ni April Boy na magbalik loob sa Diyos bago naganap ang lahat. Iyon ang katiyakan na siya ay nakasumpong na ng kapayapaang walang hanggan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …