Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VR Relosa, handang maghubo’t hubad kung si Tony Labrusca ang kaeksena

PALABAN at walang kiyeme ang baguhang actor at lead actor sa BL/supernatural series na si VR Relosa na handang mag-frontal sa isang pelikula na pinagbibidahan niya.

Ani VR, gagawin niya ang pagpo-frontal dahil kailangan talaga sa eksena. “Willing po akong mag-frontal sa pelikula, kung ako ang bida at kinakailangan at sa ikagaganda ng pelikula.

“Basta sinabi ng direktor at na-explain sa akin kung  bakit kailangan kong gawin, gagawin ko bilang part ng trabaho.

“At saka ‘di naman ako mapapahiya ‘pag nag-frontal ako kasi may ilalaban naman itong ‘alaga’ ko ha ha ha. Siguro kung wala ‘wag na lang kasi nakakahiya ha ha ha.”

At kung magpo-frontal sa isang BL series o pelikula, gusto niyang si Tony Labrusca ang kaeksena.

“Si Tony (Labrusca) kasi bukod sa magaling na actor wala rin siyang kiyeme pagdating sa paghuhubad sa pelikula.”

At sa babae naman, si Bea Alonzo ang gusto niyang makatrabaho. “Si Bea kasi idol ko talaga ‘yan pagdating sa pag-arte may lalim. Bilib na bilib ako sa husay niya kaya isa talaga siya sa gusto ko makatrabaho. Kahit may frontal scene with her okey lang sa akin.”

At kung nagawa nga nitong gawin ang mga eksenang may umaatikabong halikan at lovescene sa international BL/supernatural series ay kayang-kaya na rin niyang maghubo’t hubad sa isang proyekto basta maganda at kailangan talaga sa istorya.

Makakasama ni VR sa  BL/supernatural series na Cheat sina Migo De Vera, Allora Alcantara, Daryll Rodriguez, Iya Canlas, Tuesday Vargas, Daiana Menezes, at Claudia Enriquez. Ito ay idinirehe ni Craig Lines at mapanood na sa Youtube simula ngayong araw, Dec. 1, 2020.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …