SPEAKING of ‘advisory.’ Tila pinauso ngayon ang ganitong style na pagpapakitang gilas bilang ‘patama’ sa ibang division or section chiefs sa Bureau of Immigration (BI).
Pakitang gilas ba talaga o simpleng paninira?
Nitong nakaraan ay may isang hepe rin ng isang dibisyon sa naturang ahensiya ang nagpalabas ng isang advisory na humihingi ng status report para raw sa “declogging of pending deportation cases.”
Wala naman masama kung status report ang hinihingi ng pumirma ng advisory ngunit ang nakapagtataka lang, bakit tila hindi na ito dumaraan sa proper channel?
Mukhang nawala na naman sa eksena ang paghingi ng approval kay BI Commissioner Jaime Morente.
‘Di kaya feel na feel ng may akda ng “advisory request” ang kanyang lakas ngayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra kaya kahit si Comm. Morente ay balewala na sa kanya?
Huwaw ha!
Ambisyosang palaka!
May nasagap pa nga tayong chika na kahit ang deportations sa airport ay gusto rin panghimasukan na siyang ikinaiimbyerna raw ngayon ng bagong POD chief na si Atty. Candy Tan.
Gusto pa nga raw hainan ng “criminal cases” ang lahat ng hinuling foreigners dahil ‘yun daw ang nasa libro?!
Weeh?!
Paano made-deport agad kung may criminal case?
May sapat na kulungan ba ang BI para sa lahat ng hinuli nila?
Wala nang gagawin ang mga IO kung hindi dumalo ng hearing?
E ‘di panibagong isyu na naman sa ahensiya?!
Well, papayag naman kaya si Atty. Tan na siya ay i-bully?
Laban lang, Madam POD!
Ang ‘di lang natin alam, kung nakarating na kay Deputy Commissioner Aldwin Alegre na maging siya ay pasimple rin sinasagasaan sa pamamagitan ng pagmo-monitor sa kanilang mga pending na trabaho.
What for?!
Para siraan kung may makitang butas, ganoon ba?
WTF!
Tila sumobra na ang pag-awra nitong may author ng “advisory requests” at kung hindi susupilin habang maaga ng mga Commissioner ay puwede nila itong ikapahamak!