Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Gumera sa pagpapantasya ng mga beki– walang problema, isang malaking karangalan na napansin nila ako

SA pelikulang Anak Ng Macho Dancer, mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano, in cooperation with Black Water, ay isa sa mga bida rito si Ricky Gumera. Gumaganap siya bilang si Kyle, na inabuso ng sariling ama.

Sa solo presscon na ginawa sa The City Club, Alphaland na ipinatawag sa kanya ng kanyang manager na si Meg Perez ng Megamodels Events and Talent Management na sinuportahan ni Joed Serrano, ikinuwento ni Ricky kung paano siya napasok sa pelikula.

“Nagkaroon ng audition ang Godfather Productions para sa ‘Anak Ng Macho Dancer.’ Eh, wala talaga sa plan ko na mag-artista. Sabi ni Meg (Perez, ang manager ni Ricky), i-try ko. Noong nag-audition ako, nandoon si Direk Joel Lamangan (ang direktor ng pelikula). Kinakabahan nga po ako roon, eh,” simulang sabi ni Ricky.

Patuloy pa ng binata, “In-interview ako roon. Then, pinaghubad ako, damit at shorts. Naka-brief lang ako. Tinanong ako kung anong kaya kong gawin. 

“Sabi ko, wala akong experience sa pag-aartista. Sa pageant lang at modelling. Hindi ko naman ini-expect na makukuha ako sa pelikula.”

May lovescenes ba siya sa pelikula?

“Opo! Marami akong lovescenes,” sagot ni Ricky.

“Basta ang masasabi ko lang po, abangan ninyo itong ‘Anak Ng Macho Dancer.’ Lalo na ‘yung character ko. Hindi ko ini-expect na magagawa ko ‘yung mga ipinagawa sa akin sa movie bilang si Kyle.”

Ang tinutukoy ni Ricky ay ‘yung frontal nudity scene niya sa pelikula.

Dahil sa pagiging daring ni Ricky, siguradong pagpapantasyahan siya ng mga bading. Pero okey lang ‘yun sa gwapong binata.

“Sa akin naman,walang problema sa akin ‘yun. Para sa akin, isang malaking karangalan na napansin nila ako.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …