Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Canada-based Reyno Oposa vlogger na rin at gabi-gabing nakakasama ng supporters sa live streaming, may Pa Jacket Pa (Film & music director and producer)

Tuwing may free time si Direk Reyno sa kanyang trabaho sa Ontario, Toronto Canada, sumasalang siya at nagla-live sa kanyang official channel sa YouTube.

Bukod pa ‘yan sa pagdidirek ng music videos (MVs) para sa kanyang mga artist sa CollaBros. Almost 10 MVs na ang kanyang naipo-produced at naidirek under his Ros Film Production.

Sa ngayon kasi ay pahinga muna si Direk Reyno sa paggawa ng indie movies. May dalawa na siyang in-can movies na baka next year na rin maipalalabas. Dalawa sa naging artista sa ginawang pelikula ay si Janice Jurado at ang namayapang si Kristoffer King.

Well sa halos gabi-gabing live streaming ng nasabing film and music producer na inaabot ng more than two hours ay parami nang parami rin ang kanyang viewers at subscribers na road to 6K na, and in fairness nakikipag-interact talaga sa kanila si Direk Reyno na may pa jacket pa sa avid viewers.

Barkada o pamilya ang turing ng director sa kanyang mga manonood kaya naman feel at home ka habang pinanonood siya. May ilan rin siyang supporters na kapwa vloggers at napaka-supportive rin sa aming PPA Entertainment Network kung saan umeere ang aming Chika Mo, Vlog Kabog!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …