Thursday , December 26 2024

May pagkakawatak-watak nga ba ngayon sa Kamara?

HINDI nagiging isang unifying leader si House Speaker Lord Allan Velasco.

‘Yan ang puna ng mga beterano, lalo’t ito ang ipinagmamalaki ng kanilang grupo nang maupo sa puwesto kasunod ng speakership row sa kanila ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Pero sabi ng mga beterano, taliwas ang sinasabi ni Speaker sa kanyang ginagawa nang tanggalin ang ilang Deputy Speakers at ang nakaambang pagbalasa sa chairmanship ng mga House committee.

Maugong din na papalitan si House Majority Leader Martin Romualdez, bukod kasi sa malapit kay Cayetano ay puntirya rin ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang nasabing puwesto.

Bago pa nabuo noon ang term sharing agreement nina Cayetano at Velasco ay si Romero na ang napipisil na maging House Majority Leader kung magiging Speaker si Velasco.

Sa nabuong term-sharing agreement, napagkasunduan na tanging sina Cayetano at Velasco ang magpapalit ng puwesto habang mananatili at hindi gagalawin ang Deputy Speakers at Chairman ng mga committee.

Dahil sa kasunduang ito, nagkaroon, sa kauna-unahang pagkakataon ng 22 Deputy Speakers ang Kamara, para i-accommodate ang mga kaalyado nina Velasco at Cayetano at magkaroon ng “unified House” kahit dalawa ang maging Speaker sa 18th Congress.

Sa pulong nina Cayetano at Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte, nangako ang huli na walang magiging pagbabago sa mga opisyal ng Kamara.

Ngunit nang maupo si Velasco ay kabaligtaran ang nangyari dahil sinimulan tanggalin sa puwesto ang mambabatas na malapit kay Cayetano, pangunahin na si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

Si Villafuerte ang itinuturong malaki ang kontribusyon para sa pagsasabatas ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na sinabing pakikinabangan umano ng 18 million recipients sa ilalim ng Social Amelioration Funds (SAP).

At hindi lang ‘yan, mukhang sa patuloy na ‘purging’ na ginagawa ni Velasco, inalis bilang deputy speakers sina Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, at Capiz Rep. Fredenil Castro na nagsulong ng Bayanihan Act at nagpasa ng mga legislative agenda ng administrasyon.

Iinalis din bilang hepe ng House Contingent to the House of Representatives Electoral Tribunal si Kabayan Rep. Ron Salo.

Ang mga sumusuporta sa ABS-CBN franchise na sina Buhay Partylist Rep. Lito at Atienza at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang ipinalit sa puwesto. Naitalaga rin bilang Deputy Speaker si Las Piñas Rep. Camille Villar ngunit tinanggihan ang posisyon at wala pang naging pahayag si Velasco ukol dito.

Ilang insider sa Kamara ang aminado na para makuha ang suporta ng mga kapwa mambabatas na tagasuporta ni Cayetano ay pinangakuan ni Velasco na makakukuha ng puwesto sa kanyang liderato.

Ito umano ngayon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng “silent war” sa mismong mga kaalyado nito.

Una nang nabunyag ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Velasco allies nang pasaringan ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, sa isang get-together dinner sa kaarawan ni Velasco si Davao Rep. Paolo Duterte at sabihang “hindi ka naman bomoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng puwesto.”

Hindi rin umano nagustohan ni Duterte ang biro hanggang  nagkaroon ng komosyon at humantong sa awatan, si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu ang sinasabing isa sa umawat kina Garin at Duterte.

Matapos ang insidente, isang viber message ang ipinadala ni Duterte sa Viber group ng mga kongresista na nakasaad ang paghingi ng paumahin sa nangyari kasabay ng pagsasabi na dahil nakukuwestiyon ang kanyang loyalty ay didistansya na siya sa House Majority.

Ilang mambabatas na kasama sa pagtitipon ang nagsabing hindi biro kundi “half meant” ang sinabi ni Garin.

Si Garin ay pumoporma na maging Chairman ng House Committee on Ways and Means ngunit hindi niya mabangga si Albay Rep. Joey Salceda na inalok maging Deputy Speaker pero hindi pumayag.

Si Duterte ang humahawak ngayon ng makapangyarigang House Committee on Accounts habang naitalang Vice Chairman din ng komite si House Appropriations Committee Chairman at Benguet caretaker ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap na malapit na kaibigan ni Duterte.

        Hindi lang pala ito watak-watak… mayroong namamayaning ‘tahimik na gera’ sa alyansa ng namumuno ngayon?!

        Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *