Sunday , December 22 2024

Happy 81st founding anniversary QCPD  

BUKAS, 25 Nobyembre 2020, ay Miyerkoles.

Yes, bukas na pala ito. Ano ang mayroon bukas? Ipagdiriwang ng pinaka ‘the best police district’ sa Metro Manila ang kanilang 81st Founding Anniversary. Ang tinutukoy natin na da bes ay Quezon City Police District (QCPD).

Hindi isang pambobola ang sinasabi nating pinaka-‘the best’ dahil taunang naman iniuuwi ng QCPD ang award na the best police district sa tuwing isineselebra ng National Capital Regional Office (NCRPO) ang kanilang anibersaryo.

Maraming patunay kung bakit laging napipiling ‘the best’ ang QCPD. Kampanya sa droga? Well, the best ang gera sa droga ng distrito – mula pipitsuging drug pusher hanggang big time ang araw-araw nilang naaaresto. Hindi lang sa AOR ng Kyusi naaaresto ang mga tulak kung hind maging sa labas ng lungsod pero sa Kyusi sila nagkakalat.

Katunayan, lately lang ay milyon-milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng QCPD – sa loob lamang ito ng isang linggo. Ang mga nadakip na pawang dayo lang sa QC ay nakasuhan at nakakulong na. Naturalmente, no bail sina kuya tulak at ate tulak. Buti nga sa inyo.

Pero bakit laging naiuuwi ng QCPD ang parehong karangalan maliban sa ibang award individual awards? Bakit ng aba? Pagkakaisa kasi ang sikreto ng mga pulis QC sa pagtatrabaho. Walang lamangan sa operasyon – kung baga, ginagawa nila ang trabaho para sa bayan at hindi para sa sarili o para lang kilalanin ang distrito sa kanilang mga trabaho.

Oo, kailangan nga nila ng magagandang accomplishments para naman kilalanin sa bandang huli pero, ang lahat ay bunga lang ng kasipagan sa paglilingkod sa mamamayan para sa kaligtasan ng lungsod.

Masisipag at magagaling magtrabaho ang bawat bumubuo ng QCPD kaya laging pinararangalan dahil sa magandang pamamalakad ng mga nagdaang District Director hanggang kasalukuyang District Director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo.

Bukas naman ang pagkakataon ng QCPD na parangalan ang kanilang most deserving police officers, police station, non-uniform at iba pa. Ang tema ng selebrasyon ay “Pulisya at Mamamayan, Nagkaisa Laban sa Kriminalidad at Pandemya.”

Kabilang sa kanilang guest of honors ay sina QC Mayor Joy Belmonte, PNP Chief, P/Brig. Gen. Debold Sinas at NCRPO Chief, P/Brig. Gen. Vicente Danao.

Sa okasyon bukas, ilan lamang sa highlights na pararangalan: Station Commander of the Year – P/Col. Romulus R. Gadaoni ng  Batasan Police Station 6; Best Police Station of the Year (Karingal Award) – Masambong Police Station 2; District Operating Unit of the Year – Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU). Maraming iba pa ang kilalanin ng QCPD sa kanilang katapatan at paglilingkod sa mamamayan.

Siyempre, ang QCPD Press Corps ay kikilalanin din sa pagbibigay suporta sa distrito lalo ang pagpaparating sa mamamayan hinggil sa kanilang serbisyo at trabaho.

Congratulations QCPS. Mabuhay kayo and God bless.

Proud to be QCPD.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *