Thursday , December 26 2024

Juliana’s Gold nakatikim na ng panalo

POST analysis muna tayo sa naganap na pakarera nung Sabado sa pista ng Santa Ana Park (SAP) sa Naic, Cavite. Sa unang takbuhan ay nakasungkit na nang panalo ang laging palaban na si Juliana’s Gold na nirendahan ni apprentice rider Roque Tenorio, pumangalawa sa kanila ang sumalikwat na si Aida’s Favorite na sakay din ng isa pang apprentice rider na si JL Ramos at pumangatlo ang isa sa mga naging pilian na si Et Al ni Mark Alvarez. Sa takbuhang iyan ay hindi pa nagpakita ang iba pa nilang nakalaban na sina Princess Via, Tapped It, Flintridge, Rocking Hill at Isla De Zap na marahil ay nasa pambungad na karera nailagay o sadyang nagpapababa pa ng grupo?

Bumanderang tapos naman sa kasunod na takbuhan ang kalahok na si Yellow Ribbon ni Apoy Asuncion, pumangalawa ang dala ni JL Ramos na si Spy Glass na napansin ng mga nakapanood na karerista na tila hindi naagapan ang pagkilos  sa ibabaw sa parteng unang bahagi ng distansiya gayong napag-iiwanan na? Maliban pa riyan ay gaano rin katotoo ang naidugtong ng ilang klasmeyts natin na tila may napanood silang bidyo na ang dalawang nakasakay ay malapit sa isa’t-isa at mula lamang sa iisang kuwadra iyong mga Novato na iaaparato base sa nasa bidyo? Anyway, may posibilidad na nataon lamang iyan dahil parehong hinete sa Naic.

 Sa pangatlong karera naman ay nakasilat ang dehadong nakitaan na mainit na sa parada pa lamang na si Fruity Pebbles ni Pabs Cabalejo, kung kaya’t ibang gana at sigla ang nailabas ni kabayo at talunin ng may limang kabayong layo ang nakalaban na si Toscana ni MArk Alvarez. Sa takbuhang iyan ay tila binatak lamang ang sila Apo Ni Maria at Double Rock na parehong dapat nang manmanan sa mga susunod na pagsali nila dahil sa baba na sa grupong kinalalagyan.

Nagpakitang gilas naman ang kabayong si Cam From Behind ni Jeric Pastoral sa grupo ng 3YO & above maiden race dahil bukod sa super gandang itinakbo ay nakapagtala pa ng tiyempong 1:19.2 (07′-22′-23-26′) para sa distansiyang 1,300 meters, binigo niya ang mahigpit na kalaban na si Rodrigo ni Noel Lunar.

Halos sabay-sabay naman na lumiko ang walong kalahok sa huling kurbada sa ikalimang karera, na kung saan ay suwaktong nakalusot naman sa pagitan o kalagitnaan ang sinakyan ni Unoh Hernandez na si Noh Sen Yang Yana kaya medyo nakalamang sila sa ibang mga kalaban na umangat o pumadpad pakanan bago dumiretso sa rektahan. Tinalo nila ang mga piling paborito sa grupo na sina This Time, Kindred Soul at ang maraming salto lang na inabot na si Golden Hook.

Sa penultimate race ay siniguro na ni Reiniel Simplicio na maitawid ng primera ang kabayong si My Loving Wife matapos maagaw ng maaga ang harapan at kahit na bahagyang nabigyang laban pa sila ni Dimakya Island ni John Santiago pagpasok ng ultimo kuwartos (400 meters).

Sa Huwebes ay ibabahagi ko naman ang mga nasilip sa mga naganap na takbuhan kahapon sa SAP at sa Biyernes ang PRCI Board Of Stewards (BOS) report para sa dalawang araw na ulat ng PRCI BOS. Stay safe mga klasmeyts.       

REKTA
ni Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *